39

3.4K 78 27
                                    

-39-

PAKIKIALAM

"Pwede bang matulog ka na rin sa condo ko?" Tanong ko sa kanya matapos ko siyang halikan.

Isinandal ko ang ulo ko sa sandalan ng driver's seat. Nakangiti ako habang nakatitig kay Hestia. Natutuwa akong pagmasdan ang namumula niyang mga pisngi. Idagdag pa ang medyo namamaga niyang labi dahil sa paghalik ko. Hindi ako makapaniwala na ganito pa rin katindi ang epekto ko sa kanya.

Hinaplos niya ang pisngi ko. Hinuli ko iyon at hinalikan. "Sige. Dito muna ulit ako sa condo mo matutulog. Baka kasi kapag nagising ang babaeng ito ay maset-up ka na naman." Aniya niya.

Ginulo ko ang buhok niya at lalong napangiti. Kahit kailan talaga, over protective din ang babaeng ito sa akin. Lalo na at alam na alam niya na hindi pa ako handa sa seryosong commitment. Mas lalong wala akong balak mapikot.

Nadala na kasi siya dati. May babae kasing naglasing lasingan na natulog sa condo ko. Kinabukasan ay nagrereklamo na pinuwersa ko daw siya. What the heck?! Sa gwapo kong ito? Mamumuwersa ako ng isang babae na hindi naman sobra sa ganda o sexy? Sht lang, di ba?!

"Iakyat na natin." Yaya ko kay Hestia nang marinig naming umungot si Joy.

Inihiga namin si Joy sa guest room ng condo ko. Pinilit naman ako ni Hestia na sa tabi ko daw siya matutulog. Para kung sakali daw ay wala talagang alibi na maiisip iyong si Joy kung balak niya man akong pikutin. Paranoid din siya eh no? Halatang takot na mapunta ako sa iba.

Pumayag naman ako. Alam ko namang walang masama sa suggestion niya. Mapoprotektahan pa nga ako ng gusto niyang mangyari.

"Ikaw ha? Paraparaan ka rin para makatabi ako eh no?" Pangaasar ko kay Hestia ng nakahiga na kami sa kama ko.

Sanay na iyan na natutulog na naka boxer lang ako sa tabi niya. Ganito kasi talaga ako matulog. Kahit pa naka full aircon ako. Para kasing naiinitan ako kapag balot na balot ako. Samantalang siya naman ay may ilang damit sa cabinet ko. Iniiwan niya talaga iyon dito. Para daw sa mga emergency purposes na tulad nito.

Pero ngayon, hindi ko alam kung bakit iyong boxer ko at t-shirt ko ang nagustuhan niyang isuot. Hindi na ako nagtanong. Hindi rin naman big deal dahil mabango naman siya kahit isang linggo atang hindi maligo.

Niyakap niya lang ako ng mahigpit. "Ang yabang mo, Troy! Pero mahal na mahal pa din kita." Malambing na sabi niya.

"Hestia, ayan ka na naman."

Sasawayin ko sana siya pero hinalikan niya na ako sa labi. "Matulog na tayo. Alam ko na ang sasabihin mo." Tapos ay umunan na siya sa dibdib ko.

Hinalikan ko siya sa buhok at niyakap. Tiwasay na akong makakatulog. Pakiramdam ko ay ligtas na ligtas ako basta naandito si Hestia sa tabi ko. Dahil kahit magunaw ata ang mundo, hindi niya ako iiwan kahit anong mangyari.

**

Nagising ako sa sunod sunod na buzzer sa pintuan ko. Napatingin ako sa relo. Sino namang pupunta dito nang alas singko ng umaga? Halos hindi pa ako masyadong nakakatulog. Bad trip!

Ngunit napawi ang bad vibes ko at napangiting muli nang makita kong mahimbing na natutulog si Hestia sa mga bisig ko. Mukha siyang anghel na natutulog. Kaya maingat akong bumangon pagkatapos ko siyang halikan sa noo.

Hindi na ako nagayos ng buksan ko na ang front door. Kung sinoman iyon, wala akong pakialam. Normal ba naman kasing mangbulahaw ng ganito kaaga?

Ngunit halos malaglag ang panga ko ng makita ko kung sinong nabungaran ko.

Troy's AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon