14

4.5K 69 9
                                    

A/N:

VOTE & COMMENT po please.

WARNING: SLIGHT SPG! Mag-follower na kayo ngayon palang. Lalagyan ko ito ng hot scenes sa future. Para walang tanungan kung bakit hindi nila mabasa. Okay?

Enjoy!

_______________________________

-14-

MY GODDESS

Mabilis lumipas ang mga araw. Katatapos lang ng last day of finals na namin at birthday ko na. Imbes na ako ang supresahin, ako ang nagisip ng surprise para kay Hestia. Medyo busy kami for the past two weeks dahil sa finals. Kaya naman ito na ang time para sa aming dalawa.

Palagi naman daw busy ang parents niya kaya wala kaming nagiging problema sa pagpapaalam niya. Isa pa, may bahay din pala sila sa Manila. Ayon kasi kay Hestia, solong anak siya. Kaya lahat ng gusto niya ay nasusunod. Sobra-sobra daw siyang paliguan ng pagmamahal ng pamilya niya. Nagpapasalamat na nga lang ako at wala siyang kahit konting bratty side.

"Ang ganda naman dito." Palatak ni Hestia. Isinama ko kasi siya sa Nagcarlan Falls.

Para bang enjoy na enjoy siya sa sariwang hangin. Idinipa pa niya ang mga amay niya, tumingala, pumikit ng mariin at nakangiting ninanamnam ang paligid.

"Nagustuhan mo ba? Ang ganda hindi ba?" Sambit ko sa kanya. Ang linis ng tubig. Ang sarap sa pakiramdam ng hampas ng tubig sa batuhan.

Pero kung maganda ang kapaligiran, mas hindi ako magsasawa sa panonood dito sa kagandahan sa aking harapan. She's dmn beautiful! Pakiramdam ko ay mas gumaganda pa siya tuwing nakikita ko siya.

Ayan na naman iyong ngiti niyang ubod ng ganda. "Oo naman, Troy!" Tumayo siya at inilublob ang paa sa tubig. "Ang sarap dito." Sabi pa niya.

Ang sarap niyang panoorin na parang bata na patampi-tampisaw pa sa tubig. Inosenteng, inosente si Hestia. Malayong-malayo sa mga babaeng naka make-out ko na. Kaya balak ko talagang alagaan na siya habang buhay. Naniniwala ako sa endless love tulad ng sa parents ko. Naniniwala ako na siya na ang one great love ko.

"I'm happy that you liked it!" Masayang sabi ko. Masaya ako na ako ang dahilan ng ngiti sa kanyang mga labi. She's really adorable!

"First time ko dito, Troy. Taga Cavite naman kasi talaga ang grandparents ko. Ang parents ko naman ay Manileño. Nakabili lang sila dito ng bahay sa Laguna dahil kay Tita Zyrah. Kaya ayun. Dito muna ako sa Laguna habang nagaaral pa ako." Mahabang kwento niya at muling bumalik sa pagkakaupo.

Umupo ako sa batong inuupuan niya. First time naming nagkakuwentuhan tungkol sa pamilya. Minsan ay nababanggit din namin. Pero sadyang marami pa pala kaming hindi alam sa isa't-isa. Usually naman kasi sa ganitong edad namin eh puro love lang ang topic. Wala pa kami sa meet-the-parents at future-planning-stage.

"Ako naman ay nasa Biñan ang parents ko. Napunta lang ako doon sa Los Baños kasi naging basabulero ako. Nabigo kasi ako sa pagibig kaya nagpasaway ako ng todo. Kaya ipinatapon ako dito." Paliwanag ko.

Medyo may konting kurot pa din sa puso ko kapag naaalala ko si Vesta. Nagpapasalamat na nga lang ako at hindi na kasing tindi ng dati. Hindi ko maipagkakaila na si Hestia ang malaking dahilan para malimutan ko ang hapdi na ginawa ni Vesta sa akin.

"Ligo tayo, Troy?"

"Sige. Basain mo na lang iyang damit mo. May pinabili akong extrang damit mo sa sasakyan." Sabi ko pa.

Troy's AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon