41

3.1K 58 29
                                    

A/N:

Maraming salamat sa mga VOTES at COMMENTS. Thank you sa comments nina: klieentBaculio, yammoonipikachu, BeverlyMaeAvila, michbuenafe, Onamona, relinerejardes, Athena_9, dizonkim11, Zeus_9, Marcus_C, and Paul_Samboa.

25 VOTES & 20 COMMENTS = UPDATE! Pwede po hanggang tatlong comment bawat reader.

_____________________________________

-41-

ELECTRICAL ENGINEER

"Troy, what do you think?"

Tulala ako.

"Troy!" May kalakasang tawag sa akin ni ZL. Kinailangan pa talaga niya akong yugyugin ng malakas ara makuha ang atensyon ko.

Napaayos ako ng upo at humarap kay ZL. "Bakit? Ano nga iyon?" Naguguluhang tanong ko.

Kumunot ang noo ko nang magkatinginan pa silang magasawa. Tapos ay bumaling si Kuya Isaiah sa akin na nakangisi. Ano bang nakakatawa?

"Kuya, I'm sorry. Hindi ako makarelate. Ano nga ulit iyon?" Tanong ko na lihim kong ipinagpapasalamat at hindi ako nabulol.

Sa totoo lang, hiyang hiya ako na nahuli nila akong wala sa wisyo. Kanina pa kasi ako nakatitig kay Hestia. She was really excellent habang nagsasalita. Halatang preparado siya sa presentation na inihanda niya.

"Anything you want to add, Troy?" Tanong sa akin ni Kuya Isaiah habang naglalaro ang pilyong ngiti sa mga labi niya.

Napatingin ako kay Hestia. She's still standing in front. Wala man lang bahid ng pangamba. Ang tangi mong mababakas sa kanya ay ang pagiging mayabang niya. She seems very proud about her ideas. Halatang preparado talaga.

"I guess, I completely agree with Hestia's design." Sagot ko na ikinangiti ng bahagya ni Hestia "But I guess we have to add a little romance on this side." Aniya ko pa.

Kumunot ang noo ni Hestia. Sorry, Baby! I know that we are on the same boat. Hindi kami mula sa magkalabang kumpanya. Kaya nga mas nais kong idagdag ang ideya ko. Hindi ko mapigilan ang pagiging perfectionist ko.

"What kind of romance are you referring to, Troy?" Interesadong tanong ni ZL sa akin.

Ngumiti ako at tumayo sa gitna. Inilabas ko ang nabuo kong blue print. I completely agree with Hestia's design na may pagka minimalistic ang approach. But we are building a home for a family here...not just a house.

"I think we should add this on this corner." Turo ko sa blue print. Ang sinasabi ko ay isang sulok kung saan pwedeng ilagay nila ang mga picture frames ng nilang magasawa at ng mga anak nila.

Humalukipkip si Hestia at pasimpleng bumulong sa akin. "What do you think you are doing?" Inis na anya niya.

I ignored her. Lumapit ako sa magasawa. I discussed to them the concept that I have in my mind. And luckily, it didn't took us too long before they approved it.

"I'll be waiting for the construction of this mansion, Troy." Magiliw na sabi sa akin ni Kuya Isaiah.

"Yeah. Sure." Masayang sagot ko.

"Salamat, Troy!" Yumakap pa sa akin si ZL. Bumaling siya kay Hestia na kanina pang tahimik ditong nakaupo. "Thank you, Hestia!" Bumeso pa siya.

"Ingat kayo." Pilit ang ngiti na pahayag ni Hestia.

Troy's AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon