74

2.5K 92 26
                                    

A/N:

40 VOTES = UPDATE!

Salamat sa walang sawang pagboto at komentaryo. Lalo na sa mga readers kong panay ang COMMENT na sina: simply_neri, Zeus_9, johnnynhe, yongann, maricarclim7, EjCyTan, AireenPueyo, summerbb, judy71, michbuenafe, majuliabelolo, ZapantaKesha, Aprilbianca, glenma, Marcus_C, Paul_Samboa, mjvelasc0, shekiroh16, BeverlyMaeAvila, imhades, dizonkim11, Kayenan_14, fairydel, jjamessam and Athena_9.

_________________________________

-74-

LUNOD

Sa condo ni Hestia ako natulog kagabi. Sabay kaming pumasok kaninang umaga sa office. After office ay nagstay muna ako sa unit niya ulit para masigurong okay na talaga siya. Kahit ayaw ko pa sanang umuwi, dahil mukhang hindi pa rin siya okay, ay napilitan ako. Pinilit niya kasi akong umuwi na. Baka daw hinahanap na ako ng kakambal niya.

Kahit na labag talaga sa loob ko ay napilitan akong umuwi na ngayon sa bahay namin ni Vesta.

"VESTA!" Sigaw ko. Kanina pa ako katok ng katok pero hindi niya ako binubuksan. Nakalimutan ko pa naman ang susi ng bahay namin.

Bumaling ako sa fone ko at tinawagan siya. Ring lang ng ring ang phone niya pero hindi niya sinasagot. Kaya inulit ko ng inulit. Imposibleng wala siya sa bahay kasi may dim lights sa sala.

"P*TANG*NA! OPEN THE DMN DOOR!" Iyon agad ang bungad ko ng sa wakas ay sagutin na niya.

("S-Sorry. O-Oo. I-Ito na.") Hindi magkaintindihang sagot niya. Medyo mahina pa ang boses niya. Siguro ay dahil sa kagigising lang sa mala mantika niyang pagtulog.

"BILISAN MO! SHT!" Sigaw ko sabay putol ng linya.

Lalong umakyat ang dugo sa ulo ko ng inabot ata ng kinse minutos bago niya nabuksan ang pintuan. Kaya ng mabuksan niya ay marahas ko iyong itinulak pabukas.

"Aray!" Daing niya ng humampas ang pinto sa noo niya. Tatang@ tang@ talaga! Hindi man lamang umilag sa pinto. Bwisit!

Nanggigil na hinawakan ko ang manggas ng long sleeves ng pajama niya. "What took you so long?!?" Galit na sigaw ko sa kanya. Napapikit pa siya at napaigtad sa sigaw ko. Tss.. Arte!

"Sorry!" Anya niya sa malumanay na tinig ngunit napapangiwi.

Ang bilis bumukol ng noo niya. Dinutdot ko iyon palayo sa akin gamit ang isang daliri ko.

"I was knocking for almost an hour. Why did you not open the door?? Are you deaf??" Galit na sumbat ko. Hinawi ko na siya palayo at dumiretso na sa loob.

Nakatungong sumunod siya sa akin. "Sorry. Masama kasi ang pakiramdam ko." Pagiinarte niya.

"Sorry?" Tiningnan ko siya ng matalim. Hinubad ko ang sapatos ko at ibinato sa may binti niya.

"Aray ko." Aniya niya sabay himas sa lulod niyang tinamaan ng leather shoes ko.

Marahas na hinubad ko ang medyas ko. Ibinato ko naman sa may dibdib niya. Namumula ang mga matang nag-angat siya ng tingin sa akin.

"Awe! Masakit? Sorry ha?" Labas sa ilong na sabi ko. Saka ako? Magsosorry? Nge! "Lahat naman ng kasalanan nadadaan sa sorry, hindi ba? Parang iyong pagbibingi bingihan mo kanina." Inis na dagdag ko pa.

Troy's AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon