64

2.3K 79 36
                                    

A/N:

Paki check naman po iyong last chapter at baka hindi pa po kayo nakapagvote. Please lang. Salamat sa walang sawang suporta. Salamat sa VOTES at COMMENTS. Iyong mga nagvovote eh magcomment din kayo para maisa-isa ko. Thanks sa comments nina : maricarlim7, dizonkim11, RiolynneJoy, Kayenan_14, mjvelasc0, glenma, Paul_Samboa, yhooj26, AireenPueyo, Zeus_9, ATHEAGAB13, jjamessam, Athena_9, Marcus_C, BeverlyMaeAvila, simply_neri, at yongann.

Patapos na po ang SECOND SEASON. Nakahanda na po ang mas madramang THIRD SEASON (CHAPTER 66). Get ready ang mga tissue.

30 votes + 25 comments = update!

____________________________________

-64-

ASSUMING

Doon na ako natauhan at biglang tumayo. Tinungo ko ang daan papuntang second floor nang hindi inaalis ang tingin kay Vesta. Kitang kita ko tuloy na halos hubaran na siya ng isang may itsura na anonymous guy. Habang si Vesta naman ay lasing na lasing at humahagikhik pa! Dmn it!

Mabilis sa alas kuwatro na lumipad ang kamao ko sa mukha ng bastos na lalaki. "Bastard!!" Sigaw ko doon sa kasayaw ni Vesta. Napaupo ito sa sahig kaya pinagtinginan tuloy kami.

"T-Troy? What are you doing here?" Kumukurap kurap na tanong ni Vesta. Nagulat ata at naandito ako.

Nanggigil na hinawakan ko siya sa siko. Napangiwi siya pero hindi ko inintindi. Isa kasi siyang malaking pabigat sa akin.

"Let's go! You're drunk!" May diing sabi ko.

Hinila ko na siya para umalis na kami doon nang bigla akong suntukin sa likod noong lalaki. Mabuti na lang at mabilis akong nakailag kaya halos dampi lang.

"That's my girl!" Sigaw pa niya. Mabuti at nailagan ko ang suntok niya.

"Your girl? Are you crazy?!?" Galit na sigaw ko sabay bigwas sa kanya. Tumalsik tuloy sa kabilang lamesa.

Muli kong hinila ang natutulalang si Vesta. "See? Magpaparty ka para ano? Para pagpasasaan ng mga lalaki?" Inis na sigaw ko.

PAKK!

Nanglaki ang mata ko. Sinampal ako nitong pasaway na si Vesta! Sa inis ko ay binuhat ko na siya ng walang kahirap hirap na parang sako. Hindi ko ininda ang sampal niya sa akin.

"Put me down!" Galit na sinusuntok niya ang likod ko.

"Kapag hindi ka tumigil ay ihuhulog kita. Sht!" Sigaw ko sa kanya. Niluwagan ko ang hawak sa mga binti niya para takuting bibitawan ko. Kaya sa takot ay napahawak siya sa likod ng shirt ko. Nakabaligtad nga kasi siya sa ibabaw ng balikat ko habang buhat ko.

"Leche ka! Baka mahulog ako!" Sigaw niya sa likod ko. Upside-down.

"Then behave!" Galit na sigaw ko. "Kung hindi lang dahil sa ibinilin ka ni Hestia ay pababayaan talaga kita!" Sigaw ko pa na nagpatahimik sa kanya.

Dumaan ako sa lamesa nina Ynah. It will be rude kung hindi ako magpapaalam.

"Thanks for calling. We're leaving." Paalam ko.

"Ayos lang, Troy." Sagot ni Ynah na dahilan para sikuhin siya ng kasama niya. Binigyan niya lang ito ng makahulugang tingin. "K-Kumusta na si Frandie? May girlfriend na ba?" Nabubulol na tanong niya.

Troy's AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon