Pre-order for Nights In Casa Vallejo starts on June 2, 2023! Visit KPub PH and Warranj Novels Facebook page for details.
--
Chapter 2
What? Is he seriously asking me if he could stay here? Sa dami ng hotel dito sa Benguet, fully booked lahat? That might be possible but... doesn't he have any other choice than here in Casa Vallejo? At sa kwarto ko pa talaga?
Dahil puno na nga rin dito sa hotel na ito, Priscilla!
"Hmm. What makes you think that I'll let you stay here? I don't even know you." sabi ko at tinaasan siya ng kilay.
Isinandal ko pa ang gilid ng katawan sa pintuan at pinagkrus ang mga kamay sa ibabaw ng dibdib ko. Bumaba ang mga mata niya roon ko at kitang kita ang pagdidilim noon. Huminga siya nang malalim at nag-angat ng tingin sa aking mukha.
"I mean no harm."
What kind of harm are you talking about then? Something is going on in my head and I can't believe that I am really thinking about it.
"Besides, I will only be staying here for a couple of days. Palagi rin akong nasa labas kaya hindi mo mararamdaman na nandito ako. I can also pay for our stay here. I won't mind."
My brow shot up. Sa tono ng boses niya at klase ng mga salita, mukha namang seryoso siya na wala na talaga siyang ibang hotel na mapupuntahan. Baka totoo naman at ako lang ang nag-iisip ng hindi maganda sa kaniya.
Maybe it's just really me.
"No need. I have money. If you'll stay here, you have no choice but to sleep either on the couch or floor. Obviously, there is only one bed and I'm not used to sharing the bed with someone."
Actually, I can. Pero hindi naman kami puwede matulog nang magkatabi.
Lumagpas ang mga mata niya sa akin, tila may tinitingnan sa loob. Sinundan ko iyon at nakitang sa may gawi ng couch siya nakatitig. It was too small for a tall man like him. Hindi ko alam kung paano siya magkakasya doon.
"You won't fit in there." I stated the obvious and looked at him again.
"I'll try to fit in. Kapag hindi kinaya ay sa sahig na lang ako. I'll just ask some staff for extra pillows and sheet."
Kung isa man siyang Monasterio, siguradong hindi siya sanay sa mga ganoong bagay. Matulog sa matigas na sahig at tanging kumot lang ang nakalatag? For sure, he would be complaining about how bad and painful his back is the day after.
Nagkibit balikat ako. Siguradong wala na rin ako magiging dahilan pa para tanggihan siya. Kunsensya ko rin naman kung hahayaan ko siyang walang tuluyan ngayong gabi na ito.
At sa mga susunod pang araw.
Umalis na ako sa pagkakahilig sa pintuan at tuluyan na iyong niluwagan ng bukas. I saw how his lips curl up giving me a sexy grin.
"Thanks..." he stepped inside but suddenly stopped when he's already in front of me. Nilingon niya ako, naglapat ang mga mata namin. "What's your name again?"
Hindi ko naiwasan ang mapasimangot sa tanong niya. Ganoon ba kahirap tandaan ang pangalan ko? Kakabanggit niya lang kanina, hindi ba? Nakalimutan niya na kaagad?
What's the big deal if this man all of a sudden forgot your name, Priscilla? Is he obliged to remember it?
"Oh, right. It's Priscilla..."
Just before I could give him any answer or make any reaction, he leaned in foward and tilted his head. Pinatakan niya ako ng halik sa aking pisngi. The moment I felt his lips on my cheek, I felt my cheeks getting burned. Pakiramdam ko, may apoy na sumiklap at dumadaloy ang init sa lahat ng ugat ko.
BINABASA MO ANG
Monasterio Series 8: Nights in Casa Vallejo
Romance(COMPLETE) Monasterio Book 8: Terrence and Priscilla Priscilla was done looking for the perfect man for her. Sa sobrang pihikan niya pagdating sa lalaki, trenta'y singko na ay nag-iisa pa rin. She got the face and money. Marami naman ang nangliliga...