Chapter 15

27K 603 16
                                    


Pre-order for Nights In Casa Vallejo book until July 31, 2023! Visit KPub PH and Warranj Novels Facebook page for details.

-

Chapter 15

I can't believe that Terrence and I spent that lunch with my mother and her security guards. Kung hindi lang masiyadong obvious, sinita ko na silang tatlo lalo pa sina Zoren at Matteo na panay ang pasimpleng pagtawa sa tuwing kinukulit ni Mommy si Terrence.

But he seemed to be enjoying her company. He's a serious man despite his playfulness so it's surprising for me to see him getting along with my mother that easy.

Mukha ngang mas close pa sila kaysa sa aming mag-ina.

"Mommy! Nakakahiya kanina kay Terrence!" reklamo ko nang makarating kami sa bahay namin.

Wala akong balak umuwi dito pero dahil sa pinaggagawa niya kanina ay alam kong kailangan ko siya kausapin.

Busangot ang mukha ko nang maupo sa couch. She entered the living room with a goofy smile on her face. Nahawa na ata siya doon sa dalawang unggoy na kasama niya hanggang ngayon.

I rolled my eyes on Matteo. Sa aming tatlo, siya ang mas mahilig mang-inis sa akin. Kahit noong mga bata pa lang kami, kami palagi ang madalas nag-aaway.

"What's embarrassing about meeting your future husband? At isa pa, ikinakahiya mo ba ako?" tumaas ang kilay niya.

"That's probably her reason, Tita Euls." sagot ni Zoren bago naupo sa single couch sa gilid ko.

"Oo nga, tita. Baka ikinakahiya ka niya kay Monasterio." gatong pa ni Matteo na kinuha ang apple na nasa center table at kinagatan ito.

Naningkit ang mga mata ni Mommy nang balingan ako. Natawa ako, may halong sarkasmo.

"Don't tell me you're gonna believe these two monkeys?" tanong ko saka sinamaan ng tingin sina Matteo. "Isusumbong ko kayo sa mga magulang n'yo! Lalo ka na, Matteo! I'll tell Tito Martin na marami kang babae!"

Matteo chuckled. "He already knows that."

Inirapan ko siyang muli. Palibhasa ay gwapo at mayayaman kaya hindi rin papahuli pagdating sa mga babae. Idagdag pa na magaling sila sa mga martial arts at paghawak ng mga firearms kaya dagdag points rin sa mga nagiging babae nila.

"Seriously, Mommy, nakakahiya kay Terrence na tinatawag n'yo kaagad siyang future son in law. Kakasimula pa lang namin sa relasyon. Baka ma-pressure sa inyo iyong tao!" sabi ko.

"If he's truly serious with you, Priscilla, my words or whatever terms I used to call him would never pressure him! It won't intimidate him! Lalo pa kung ang nasa isip niya ay doon rin naman kayo pupunta!"

That's the thing. Paano kung hindi naman ganoon ang tumatakbo sa isip niya?

"He didn't even disagree. Mukhang gusto niya rin." sagot ni Zoren sa seryosong tono.

Ngumuso ako, ayaw paasahin ang sarili sa mga ganoon. Siguradong madidismaya lang ako lalo na kung sa huli ay saliwat ang magiging resulta.

"Terrence seems to be nice man, hija. I can sense it. But since you are now in a relationship with a Monasterio, you have to be careful since women are after them."

"What do you mean by that?" takang tanong ko.

"Malay natin at may mga babaeng desperada sa tabi at naghahabol kay Terrence. What if those women have criminal minds? Oh my gosh! You are in danger, anak!"

I'm really grateful that I got my personality from Dad. Kasi kung kay Monmy, siguradong masiyado akong oa.

"To protect you, I want to assign Matteo and Zoren to be your personal security guards. They will be with you twenty four seven-"

Monasterio Series 8: Nights in Casa Vallejo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon