Pre-order for Nights In Casa Vallejo book until July 31, 2023! Visit KPub PH and Warranj Novels Facebook page for details.
Chapter 19
I meant what I said to Terrence during that secret commotion on that party. I didn't let anything intimate happen between us.
Hindi naman ako galit sa kaniya. It's a petty reason to be mad at him. Naiinis lang ako dahil bago pa lang kami bilang magkarelasyon ay naranasan ko na kaagad ang may makaaway o makasagutan na babae sa nakaraan niya... dahil sa kaniya.
"Krishna? Isn't she the girl you liked back when we're in college? Pero na-turn off ka nung may kumalat na sex scandal niya kasama iyong classmate niya."
Isiniksik ko ang sarili sa gilid kung saan natatakpan ng mga naglalakihang halaman. I saw Terrence talking with Dustine and Skyler. Nakatayo sila sa harapan ng isa't isa, mga seryoso na akala mo negosyo ang pinag-uusapan.
"Yes, that's her. I have no idea why she went here. Matagal na rin simula nang huli ko siyang makita." umiiling na sagot ni Terrence.
Just last year? Very recently, huh?
"You did not invite her?" nakangising tanong ni Dustine sa kaniya.
"Are you nuts? Why would I invite her here? Hindi ako gagawa ng pag-aawayan naming dalawa ni Priscilla." saad ni Terrence.
Aaminin kong ang mga simpleng salita na iyon ni Terrence ay nagagawang alisin kahit papaano ang inis ko. Pero sa tuwing babalik sa isipan ko ang paraan ng pagtingin niya doon kay Krishna, umaakyat ulit sa bumbunan ko 'yong iritasyon.
"I'm just kidding, man. Sa itsura ni Priscilla, halatang hindi uubra mga kalokohan mo. Tipong kapag gumawa ka ng mali, hihiwalayan ka kaagad at hindi na panghihinayangan."
Hindi naman. Pero... oo rin.
"The advantage of being successful. She knows her worth and won't settle for less. Ikaw ang mauunang umiyak bago siya." sagot ni Skyler.
Sandali akong natulala. Sa mga nakaraan kong nobyo, sa tuwing may hindi pagkakaintindihan ay hindi ko inugali ang unang manuyo. Bukod sa wala namang kabuluhan ang pinag-aawayan, tamad rin talaga ako sa kahit na anong argumento.
Kung kami ni Terrence ang magkakaroon ng pag-aaway, mas pipiliin kong talikuran na lang muna siya pagsamantala kaysa ang sabayan siya. Lalo pa sa itsura niya, mukhang masama magalit.
"I'm already aware of that," sagot ni Terrence. Hindi ko lang makita ang reaksyon niya dahil na rin sa nakatalikod siya sa gawi ko. "One of her personalities that I really like about her actually."
"She had the guts to come here for you because she knew how bad you wanted her-"
"That was fucking before, Dustine. I only like her because she's..." Terrence sighed. "Because she's good in bed."
Padabog kong isinara ang laptop nang maaalala ang sinabing iyon ni Terrence dalawang araw na ang nakalilipas. I shouldn't be acting this way but that statement from him made me feel a bit insecure with that girl.
Hindi naman dapat lalo pa at kay Terrence na mismo nanggaling na hindi niya ito gusto. Kung ano man ang mayroon sa kanila noon, nakaraan na. Didn't he say that he never had a serious relationship before? That I am his first. Kaya bakit ako magseselos?
Isinandal ko ang batok sa swivel chair at huminga nang malalim. I closed my eyes, massaging the bridge of my nose.
"You are being emotional and unreasonable, Priscilla." bulong ko sa sarili ko.
Ang totoo, nagseselos ako sa Krishna na 'yon. For the first time, a woman made me feel jealous despite knowing that I already hold every compliment a woman can have. At mas lalong naiinis ako kay Terrence. Bakit ang tagal bago niya ako ipinakilala bilang girlfriend niya?
BINABASA MO ANG
Monasterio Series 8: Nights in Casa Vallejo
Romance(COMPLETE) Monasterio Book 8: Terrence and Priscilla Priscilla was done looking for the perfect man for her. Sa sobrang pihikan niya pagdating sa lalaki, trenta'y singko na ay nag-iisa pa rin. She got the face and money. Marami naman ang nangliliga...