Pre-order for Nights In Casa Vallejo book until July 31, 2023! Visit KPub PH and Warranj Novels Facebook page for details.
-
Chapter 16
I am used to hanging out with socialites. Kahit sinong mataas na tao ang makaharap, sinisiguro kong mapapantayan ko ang antas nila o mas hihigitan pa.
I don't easily get anxious or embarrassed. Alam ko kung paanong makipagsabayan sa kanila kahit pa puro negosyo ang pinag-uusapan.
But now that I am facing the huge mansion of Zadriel and Tatiana Monasterio, I feel like I'm about to vomit anytime soon.
Seeing the sports cars parked in front of the black steel gate, it made my heart jump into my throat. Kung umasta ako ngayon, para bang hindi ako nagmamay-ari ng isang malaking kompanya na kilala na sa buong Asia.
Maybe this is just how it feels when you know you're about to meet a clan like the Monasterios? They are powerful, rich and known to be ruthless. Pakiramdam ko ay ang liit ko kumpara sa kanila.
May maipagmamalaki ako. Tatanggapin naman nila siguro ako para kay Terrence, hindi ba?
"You seem nervous." puna ni Terrence habang hawak ang kamay ko.
Nilingon ko siya at tipid na nginitian. Ayaw ko iparamdam sa kaniya na kinakabahan nga ako ngayon pero sa mga kilos na ipinapakita ko, siguradong malabong hindi niya 'yon mapansin.
"I am. I mean, sino bang hindi? I'll be facing one of the wealthiest family in the fucking world. Give me one reason why I shouldn't be."
He chuckled and soon snaked his arm on my waist. He pulled me close to him and placed a gentle kiss on my cheek.
"You are in a relationship with a Monasterio. Isn't that something you should be proud of?"
Nilingon ko siya, may nakakalokong ngisi sa mga labi niya na para bang sinasabi niyang swerte ako na naging boyfriend ko siya. I sure am lucky to have him as my boyfriend, but it's not because of his status in the society or how powerful he is as a businessman. It's because of how he sees life on a brighter perspective. It is how he stands on his beliefs. It is how he sees me beautiful despite being older than him.
Para sa kaniya, ako ang pinakamaganda. He always makes me feel that way. He makes me feel like a precious woman – that's make me lucky for having him.
Not because of his surname. Not because of the power it holds.
Pumasok na kami sa loob. Taas noo akong naglakad habang hawak niya ako sa bewang. I've seen familiar people and some of them greeted me with a nod. Isang tango lang rin ang ginawa ko. I didn't even bother to smile at them. Hindi ko naman sila kakilala kaya bakit kailangan ngitian?
"Where are your parents?" I asked Terrence.
"Probably in the living room with the relatives."
Nang sabihin niya iyon at magdiretso na kami papasok ay mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Sana pala ay hinayaan ko na lang sumama sa akin si Mommy dito. That was the original plan. Pero naisip ko na kung sasama siya at ipapakilala sa pamilya ni Terrence, pakiramda ko ay magiging diyahe lang lalo pa at alam ko kung gaano ka-hyper si Mommy.
Mabuti nga at wala dito sina Zoren at Matteo. Ang alam ni Mommy ay kasama ko iyong dalawa. Pero napagusapan namin na huwag nang sumama dahil ayaw rin naman nila. They both got hook ups tonight. Of course they preferred it than tailing me everywhere I go.
"Oh my gosh! Is that Terrence? Ang guwapo niya talaga lalo na sa malapitan! He's my crush among the Monasterios."
"Yes! He's handsome, too. Lahat naman sila actually. But I like Skyler the most. Gusto ko kasi iyon mga serious type."
BINABASA MO ANG
Monasterio Series 8: Nights in Casa Vallejo
Romance(COMPLETE) Monasterio Book 8: Terrence and Priscilla Priscilla was done looking for the perfect man for her. Sa sobrang pihikan niya pagdating sa lalaki, trenta'y singko na ay nag-iisa pa rin. She got the face and money. Marami naman ang nangliliga...