Chapter 20

12 0 0
                                    

Luisa's POV

It's been 5 months since I left. Ang akala ko mahahanap agad nila kami after 1 or 2 weeks. Aaminin ko, nagiging kampante ako sa buhay namin dito. Mas lalo kong minamahal ang buhay namin dito.

Hinahanap kaya nila ako? Nag-aalala kaya si Dad sakin?

"My future wife? Pupuntahan ko lang yung mga tao na naglulukad" sambit ni Kent.

"Sige. Mag-ingat ka" paalala ko. Hinalikan nya ako sa noo bago umalis.

Binili ni Kent ang lupa sa kalapit lamang na lupain nila Mang Ramon para malaki din ang pagkakitaan namin. Ito ang unang investment namin na para samin.

"Ate Luisa" tawag ni Leah.

Lagi din syang napunta dito dahil sakin. Nakiusap din ako sa kanya na pumunta lagi sya para may kausap ako na medyo ka-vibes ko.

"Kumain na kayo?" Tanong ko.

"Yes po bago kami pumunta dito" sagot nya.

Kapag bumalik ang buhay namin sa dati kukunin ko sya. Sa kompanya ko sya ilalagay. Hindi ko po nasasabi sa kanya dahil busy pa sya. At minsan nagtatanong din sya sakin since ang kanyang course ay business management.

"Ate? Pwede bang magtanong? Curious lang ako" sabi nya.

"Sure. What is it?" Tanong ko.

"Bakit po kayo napunta dito?" Tanong nya.

Ngumiti ako sa kanya.

"Ayaw ko kasing magpakasal sa ibang lalaki" simpleng tanong ko.

Kumunot naman noo nya.

"Engaged po kayo?" Tanong nya at tumango naman ako.

"Bakit po? Ayaw nyo sa lalaking yun? Hindi po ba si kuya Kent yun?" Tanong nya.

Umiling ako sa kanya.

"Masyadong komplekado buhay ko." Sagot ko.

"Try me" sabi nya at ngumiti sya sakin.

Nagsimula akong magkwento sa kanya. Habang nagkukwento ako nagbibigay din sya ng opinyon. Ngayon lang ako nakapagkwento sa iba tungkol sa buhay ko.

"Alam mo ate. Naiinggit ako sayo" sambit nya.

"Bakit?" Curious na tanong ko.

"My father died 7 years ago. Naiingit ako kasi may tatay ka pa. Alam kong ginagawa nya lang lahat yun dahil gusto lang nya na mapabuti ka at maganda ang kinabukasan nyo. Instead of running away dapat pinatunayan nyo sa Daddy mo na mali sya ng pinagkakakilala kay kuya Kent. Dapat pinatunayan mo na si kuya Kent ang mahal mo. Lalo lang kayong pagbabawalan ng Daddy mo dahil umalis pa kayo. Pero kung ako din naman sa kinatatayuan nyo gagawin ko din naman yan hihihi" sabi nya at ngumiti sa akin.

Napaisip ako sa sinabi nya. Dapat ba na hindi kami lumayas? Dapat ba na pinatunayan namin ang sarili namin?

"Ano pong ginagawa nyo? Sino po kayo?"

"Ma'am nakikiusap po kami. Surrender nyo na si Ms. Luisa Mendez. Baka madamay pa kayo kapag tinago nyo pa sya"

Teka. Nagkakagulo.

Mapatayo kami ni Leah at tumingin sa direksyon nila Tiya.

Kinabahan ako dahil nakita ko ang mga tauhan ni Daddy.

"Ms. Mendez? Pinapasundo na po kayo ni Mr. Mendez."

"Teka. Sandali" panik ko. Si Kent. Shit!

Lumapit pa sila sakin at hinawakan ang dalawang braso ko.

Uncontrolled (DREAM SERIES 2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon