Chapter 22

15 0 0
                                    

Luisa's POV

"Is everything okay?" Tanong ni Harvey.

"Yeah. Everything is okay. Kadadating lang ng gown ko para bukas" sagot ko.

"It's okay then. Matulog ka na at huwag ka na magpuyat. Bukas na ang engagement party natin. Wag kang mag-alala, everything will be okay" sabi nya.

Tumango naman ako.

"I'll go ahead. Kailangan ko din matulog ng maagap para makapag prepare para bukas" sabi nya.

Nagpaalam ulit sya at umalis na. Humiga ako sa kama.

3 months from now ang kasal namin. Next year na lang daw magpapakasal si Dad at Tita Karen. Wala na akong pakialam sa buhay nila. Ang iniisip ko na lang ay yung magiging future ko pagkatapos ng kasal.

At sinabi pa ng parents ni Harvey na kailangan agad nila ng grandchild. Ano bang tingin nila sakin? Paanakan?

Sa pag-iisip ko nakatulog ako.

KINABUKASAN

"Are you excited?"

Si Dad. Few more hours engagement party na. At hindi ako excited.

"Not really" sagot ko.

"Luisa, I know this is hard for you. Just think about your future, " sabi nya.

"Yeah, yeah. As if I have a choice. Don't worry about me." Walang ganang sabi ko.

Kumakain kami ng tanghalian pero wala akong gana. Nagpaalam ako kila Dad. Hindi ko naubos ang pagkain ko. Actually, halos araw araw wala akong gana. Dahil sa pinagdadaanan ko ngayon.

"Saan punta mo?" Tanong ni Dad.

"Sa labas lang po Dad" sagot ko at hindi ko na hinintay ang sagot nya. Lumabas na ako at pumunta sa garden.

Nagmasid lang ako at nagpalipas ng oras. Ayos na naman lahat. Ako lang naman ang hindi.

Alam na kaya nya? I bet. Madami naman syang connections. I wondered kung pupunta sya, aasa ba ako? Hindi ko din naman sya binigyan ng invitation. Natural na hindi yun pupunta.

"Ma'am? May bisita ka po"

"Sino daw po?" Tanong ko.

"Ako."

Napatingin ako.

"Mr. Bartender?" Nagtatakang tanong ko.

"Ilang months na ang nakakaraan Mr. Bartender pa rin tawag mo sakin" natatawang sabi nya.

"Right, Luke. I'm sorry, " paumanhin ko.

"It's okay. Anyway, can I talk to you?" Tanong nya

"Okay, what is it?" Tanong ko.

"It's about Kent," sabi nya.

Hindi ko alam kung bakit pero kumirot ang puso ko at kumukulo ang dugo ko.

"What about him?" Hindi ko mapigilan ang inis ko.

"He's been drinking every day. Walang syang ginawa kungdi ang uminom at araw araw lasing. Wasted and broken hearted, I know na meron kang kinalaman kung bakit sya nagkakaganito" sabi nya. Natawa naman ako sinabi nya.

"So It's my fault then? Anong gusto mong gawin ko? At bakit ako ang sinasabihan mo? Nandyan si Erika at ang anak nya. Bakit ka sakin lumalapit? Doon ka pumunta sa bwesit nyang girlfriend" galit na sabi ko.

"Girlfriend?" Tanong nya.

"Wag ka na magmaang-maangan. Alam ko na ang lahat. Ginawa nya akong tanga, pinaasa, at sinaktan. Wala naman akong ginawa, minahal ko lang naman sya pero anong kapalit? Sakit? Doon sya sa haliparot nyang girlfriend" galit na sabi ko.

Uncontrolled (DREAM SERIES 2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon