Chapter 18

7 0 0
                                    

Kent's POV

Sumakay na kami sa bus. Iniwan namin ang kotse para hindi nila kami mahanap agad. Alam kong mahahanap nila kami pero sana tumagal.

Luisa's father hates me and I know he will hates me more.

"Okay ka lang?" Tanong ni Luisa.

Nasa pinakang likod kami sa may bintana.

"I'm okay my future wife. Matulog ka muna. Mahaba ang byahe natin" sabi ko.

Tumango naman sya. Alam nyo ba kung saan kami pupunta? Dito lang din sa Pilipinas. Hindi kami pwede sa ibang bansa dahil alam kong mahahanap nila kami.

Nag research ako. Mas mabuti na sa malapit dahil alam kong sa malayo sila unang maghahanap.

Inakbayan ko si Luisa at pinasandal ko sya sakin.

"Alam mo ba ang daan papunta doon?" Tanong nya.

"I don't know but I know the driver will stop there" sagot ko.

"Hindi mo ba sakin sasabihin kung anong napag-usapan nyo?" Tanong nya.

"My future wife, it's our thing. Wag kang mag-alala hindi naman ako sinaktan ni Daddy mo. Tsaka sinabi lang naman nya kung bakit si Harvey ang approve para sa kanya" sagot ko.

"Kung tinanggap ka sana ni Dad hindi mangyayari 'to" sabi nya.

Mali 'to. Lalo ko lang ginagalit ang Daddy nya. Pero anong magagawa ko? Gusto ko talaga si Luisa. Hindi ako papayag na maikasal sila. Sakin lang sya ikakasal. Madami na akong pangarap para sa aming dalawa.

At sana hindi na maulit ang ginawa ni Erika kay Luisa. That woman! Sinigurado ko na naman na hindi nya magugulo si Luisa. At isa pa nandyan si Luke para bantayan sya.

Tapos na naman ang plano namin. Nililinis na lang nila Luke. Nakaganti din sina Luke pero alam kong maghihiganti si Erika. Ang natira na lang si Erika dahil ang mga magulang nya ay nakulong. Hindi alam ni Erika na kami ang nagpakulong sa mga magulang nito at lahat ng yaman nila ay wala na. Nasa amin ang yaman nila pero binigay namin sa mga charity. Anong silbi ng yaman nila samin?

Flashback

"Ano? Nakuha mo na ba lahat ng shares?" Tanong ko kay Luke.

Ngumiti sya sakin.

"Of course. Lahat naman ng nakapaligid sa kanila ay galit din sa kanila. Even their employees tsaka nasa sides din natin ang mga board of directors. Nandyan si Trevor at papapirmahan natin with their seal and will nila. Magagawa ng paraan natin yan"  sabi nya.

Ilang araw na lang matatapos na. Minadali ko na ang trabaho para makasama ko na si Luisa. Hindi ko na sya matiis. Hindi ko na nasusunod ang advice ni Luke. Lalayuan ko si Luisa? Parang pinapatay ako kapag ginawa ko yun.

"Si Erika?" Tanong nya.

"She don't know anything. Wala naman syang makukuhang mana sa mga magulang nya dahil kukunin natin ang yaman nila. Ang kailangan na lang natin gawin ay kunin ang ebidensya mula sa kanilang bahay." Sagot ko.

"Tanga sila. Masyado silang nagtiwala sakin" nakangiting sabi ni Luke.

Ang totoo nyan, magkaibigan ang mga magulang ni Erika at Luke pero inagaw nila Erika ang kompanya nila Luke at pinatay pa ang mga ito. Hindi naman agad naniwala ang judge kay Luke dahil malinis ang pagkakagawa nila ng crime. At isa pa masyado nilang pinapairal ang pera nila. Akala mo lahat ng bagay mababayaran nila. Sa tingin nila madadala nila ang yaman nila sa langit? Well, sa impyerno ang punta nila. Hanggang sa libingan lang nila madadala yun at wag silang mag-alala dahil magbibigay kami kahit papaano para sa kanila.

Uncontrolled (DREAM SERIES 2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon