Chapter 19

2 0 0
                                    

Luisa's POV

"Tatuy ikuha mo ng upuan si Luisa para hindi nakatayo dito sa labas" utos ni Tiya.

"Hindi na po Tiya. Okay lang po" I refuse pero kinuha pa rin nila ako ng upuan.

"Okay lang. Para hindi ka mangalay Ate" sambit ni Tatuy.

Umupo na rin ako para hindi masayang ang effort ni Tatuy.

"My future wife? Are you okay there?" Tanong ni Kent.

"I'm fine. You?" Sagot ko.

"I'm okay" sagot nya. They harvesting the coconut tree. Sabi ni Tiya gagawin daw nilang lukad? Yeah, yun daw ang pinagkikitaan nila ngayon. Para hindi kami mahiya sa pagtira namin ay tinulungan ni Kent kahit na ayaw nila. Si Tatuy at Tiyo Ramon ang nangangawit, that's what I heard. Si Kent naman ang nag-iipon ng mga nakuha nilang niyog.

"Tamang tama, pinabibili ko ang anak ko sa bayan ng uulamin natin. Kasama nya ang kasintahan nya, may makakausap ka" inform sakin ni Tiya.

"Ilang taon na po ba yung anak nyo?" Tanong ko.

"23 years old. Sa October pa-24 na sya" sagot nya.

Medyo may edad na rin sila Tiyo at Tiya. Simple lang buhay nila dito pero masaya.

Tinulungan ko na din si Tiya sa ginagawa nya. Yung crops na tinatanggal ang buto? Yun ang ginagawa ni Tiya.

Nakipag-kwentuhan lang din ako sa kanya. I'm glad hindi sya nagtatanong kung bakit nandito kami at kung nasan pamilya ko.

"Tiya? Malayo po ba ang bayan dito?" Tanong ko.

"Medyo malayo din. Mahirap kapag papuntang bayan dito" sagot nya.

"Gusto ko po sanang pumunta sa bayan" sabi ko.

"Ganun ba? Mahirap nga lang ang sasakyan dito." Sabi ni Tiya.

"Wala po bang pwedeng rentahan?" Tanong ko

"Meron naman. Teka, pagkatapos nilang mag-ipon ngayon uutusan ko si Tatuy para magsabi kung pwedeng rentahan yung habal nila Ate Fe" sabi ni Tiya.

"Salamat po Tiya" sabi ko.

"Walang anuman. Kelan mo ba balak pumunta?" Tanong nya.

"Bukas po sana. May ginagawa po ngayon sila Kent e" sagot ko.

"Sige. Kung gusto mo pasamahan na rin kita sa kasintahan ng anak ko. Hindi kasi ako pwede at nag-aasikaso din ako ng mga kakainin natin" sabi nya.

"Okay lang po." Sabi ko.

"Hooooooo!"

"Tiya? May sumisigaw. Ano po yun?" Tanong ko.

Sigaw talaga sya. Parang merong sinasabi.

"Anak ko na yan. Parang nagpapahiwatig na nandito na sya. Teka lang ha" paalam ni Tiya.

Tumango naman ako sinundan ng tingin si Tiya. May sumalubong sa kanyang lalaki at babae. Ang cute ng babae, boyish ba sya? Kung titingnan mo kasi para syang lalaki.

"Ay salamat naman at dumating na kayo" rinig kong sabi ni Tiya.

"May ginawa pa po kasi si Leah" sabi nung lalaki. Nakita kong nagmano silang dalawa.

"May bisita nga pala tayo. Leah halika" sabi ni Tiya at lumapit sila sakin. Tumingin sakin yung babae.

"Si Luisa, asawa nya si Kent yung dating amo ni ama mo" pakilala ni Tiya.

"Hello po. Magandang tanghali po" sabi nung babae.

"Si Leah nga pala Luisa, kasintahan ng anak ko. Itp ang anak ko, si Rommel" pakilala ni Tiya. Halata kay Tiya na Bicolano sya dahil sa pagbigkas ng pangalan ni Leah. Parang Liya ganun.

Uncontrolled (DREAM SERIES 2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon