Chapter 23

7 0 0
                                    

Luisa's POV

"Let's go?" Tanong ni Daddy.

"Let's go," sambit ko.

Kumapit ako kay Dad at humawak sa braso ni Daddy. Si Daddy ang nagdala ng maleta ko.

"I'm sure you will forget your worries. Let's have fun," sambit ni Daddy.

Tumango naman ako. Inayos na ni Daddy ang bagahe namin sa kotse at sumakay na kami. On the way to the airport.

Pupunta kami sa New Zealand. Si Daddy ang naka-isip nito. Actually, ayoko pa sana pero sabi ni Dad para makahinga naman daw ako at para makalimutan ang sakit.
Pero alam ko hindi ko kayang kalimutan, maybe ilang oras lang pero maaalala at maaalala ko pa rin yun.

After 2 hours, nakarating na kami sa airport. 10 hours ang byahe papunta sa New Zealand. 1 week lang kami kasi may importanteng meeting si Daddy next week. It's a close door meeting, so hindi pwedeng wala si Dad. While ako naman babalik na sa work.

Pumasok na kami sa airport at inayos ang passport namin then naghintay lang kami ng isang oras para makasakay na sa eroplano.

"You want something to eat, Luisa?" Tanong ni Tita Karen. Yeah, of course, kasama din sya.

Umiling lang ako at umalis sila ni Dad. Pero maya maya ay bumalik din sila. May dalang food at binigyan ako ng coffee.

"Thank you," sambit ko. Ayaw ko sana pero nakakahiya naman kung hindi ko tanggapin.

Ininom ko na din. Nag-cellphone ako pangpalipas ng oras. Nagulat ako kasi tumawag si Harvey.

"Yes?" Tanong ko.

(Bakit hindi mo ako sinama?)

"I need some air. Aagawan mo pa ako ng eksena sa New Zealand. Dyan ka na lang."

(Ouch. You're mean!)

"I know. Kung wala kang sasabihin ibababa ko na"

(Wait! I need to talk to you. You need to know something)

"Ano yun?' Tanong ko.

(Ano, it's about-----)

"About what?"

(Never mind. Have a safe trip. Pasalubong ko)

"Bibigyan kita ng yelo" sabi ko.

(Grabe ka naman sakin)

"Anak? Tara na"

"I'll hang up. Bye"

(Alright. Have a safe trip. Bye)

At binaba ko na.

Sana magandang idea 'to.

AFTER 10 HOURS

"Luisa, isuot mo yang jacket mo." Paalala ni Daddy

Two layers lang kasi ng damit ang suot ko. At malamig pero kaya ko pa naman.

"Saan na po tayo Daddy pupunta?" Tanong ko

"Kain muna tayo. I'm hungry" sagot nya.

"But first, kailangan muna nating magrent ng car" sabi ni Tita.

And that's what we did. Camper van ang ni-rent naming sasakyan kasi gusto ko. Pinapili ako ni Daddy kaya yun ang pinili ko.

"Let's go" akit ni Dad. Kaya sumakay na kami at siya ang nagdrive.

First stop, The Speight's Ale House.

"Just tell me something if you need anything, Luisa" sabi ni Daddy.

Uncontrolled (DREAM SERIES 2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon