Chapter 13

11 0 0
                                    

Luisa's POV

"Tita Isa!"

Nakita ko si Kiel tumatakbo papunta sakin.

"Kiel" masaya kong sabi.

Nandito lang ako sa bahay at day off ko ngayon.

Agad ko niyakap si Kiel..

"Buti pumayag si Melissa na ikaw mag-aalaga kay Kiel ngayon" masayang sabi ko.

"Well, may gagawin naman si Melissa ngayon kaya nagpresenta ako na tayo muna ang magbabantay since day off ka naman" sagot nya at umupo sya sa tabi ko.

Nilaro laro ko naman si Keil.

"Kumain ka na?" Tanong ko kay Kent

"Yep. Melissa offered bago ko daw kunin si Kiel" sagot nya.

"Do you want something Kiel?" Tanong ko.

Ngumiti sya sakin.

"Tita Isa? Can we go to the beach?" Tanong nya

"Of course baby" excited na sabi ko.

Tumingin ako kay Kent.

"May dala ka bang damit ni Kiel?" Tanong ko kay Kent

"Yes, merong pinabaon si Melissa" sagot ni Kent.

"Good. Wait lang Baby ha. Mag-aayos lang si Tita" sabi ko kay Kiel.

"Sige po Tita" sagot nya. Tumayo ako at pumunta sa kwarto ko.

Nilabas ko ang bag ko at nag impake ng damit at swimwear tsaka iba pang gamit. Nagbihis na rin ako.

Lumabas na ako at lumapit sa kanila.

"Let's go na?" Tanong ko sa kanila.

Lumapit sakin si Kent at kinuha ang dala kong bag at ako naman ang nag-alalay kay Kiel.

"Daan muna tayo sa Domino's Pizza at sa iba pang food house para may kainin tayo" sambit ni Kent

"Sige" excited na sabi ko.

Lumabas na kami sa bahay at ni-lock ko na ang pinto. Sumakay na din kami sa kotse ni Kent.

Tulad nga ng sinabi ni Kent at nagdaan muna kami sa food house para bumili ng pagkain naming tatlo. Lahat ng gusto ni Kiel binili din namin. At sa tingin namin na ayos na ang pagkain namin ay pumunta na kami sa Exciles beach.

Nakaupo saking hita si Kiel habang nilalaro ko.

"Ilang linggo na lang ba uwi mo?" Tanong ni Kent.

"3 weeks from now. Ikaw ba?" Tanong ko habang nilalaro ko si Kiel. Pinapakain ko din ng ice cream.

"Sabay na lang tayo umuwi" suggest nya.

Tumingin ako sa kanya.

"Anong plano mo pag-uwi natin?" Tanong ko. Napatingin sya saglit sakin at tumingin ulit sya sa daan.

"Of course I will court you and your Dad. I'll make sure na papayag ang Dad mo sating dalawa" nakangiti nyang sabi.

"What if hindi sya pumayag? Anong gagawin mo?" Tanong ko ulit. Tinatanong ko kasi possible na mangyari yun.

"Gagawin ko ang lahat para pumayag sya. Itanan pa kita" biro nya.

"Gagawin mo talaga yun para sakin?" Tanong ko

"Of course my future wife" mabilis na sagot nya at napangiti ako.

"Well see" sambit ko.

"Don't worry, I'm a man with words and actions. Lahat ng sinabi ko totoo yun kaya wag kang mag-alala. Ipapakilala kita kila Kuya at magpapakilala ako kay Daddy mo" sincere na sabi nya.

Uncontrolled (DREAM SERIES 2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon