Chapter 15

9 0 0
                                    

Luisa's POV

"Where have you been young lady?!"

"Dad, inalam ko lang kung sino ang gumawa nung article kaya po ngayon lang ako umuwi" nakayuko kong sabi.

"What are you thinking?! What did I say? Umuwi ka di ba? Bakit hindi mo ako sinunod? You no longer follow my orders" galit na sabi ni Dad.

"I'm sorry Dad. I'm just trying my best to figure the mess they made" sabi ko.

"Luisa, I know you can. Alam mo ba kung ano ang kinagagalit ko?" Tanong ni Daddy. Umiling ako.

"Iba ang inaatupag mo doon. Anong sinabi ko? You should manage the hotel instead playing the engagement thing. Kalat doon na engaged ka pero kanino? Kay Kent Cias? Alam kong alam mong ayaw ko sa lalaking yun. I clearly told you that. Anong nangyari? Nagkaroon ka ng article dahil pabaya ka. Hindi mo ginagawa ang trabaho mo Luisa" galit na sabi ni Daddy.

Naiiyak na ako pero pinipigilan ko lang.

"Ang sabi ko sayo ayusin mo ang trabaho doon hindi yung naglalaro ka ng bahay bahayan sa Malta. Pinadala kita doon para matuto kang mag-manage ng hotel, hindi yung matuto ka mag-asawa doon." Galit na sabi ni Dad.

Napaigtad ako sa pagbalibag ni Dad sa lamesa nya.

"Tingnan mo ang pictures mo na 'to. Merong nagpadala sakin nito. Ganyan ka ba? Look at you!" Sambit ni Dad.

Nanginginig kong kinuha yung folders. Binuksan ko 'to at nakita ko ang pictures namin ni Kent kasama si Kiel sa beach. Fuck!

"Ganyan ba ang pinaggagawa mo sa Malta? Hindi ka ba nagtrabaho ng maayos?" Galit na tanong ni Dad.

"Dad, day off ko po yan. Ginagawa ko naman po ng maayos ang trabaho ko doon" sambit ko.

"Really? Bakit may lumusot na article? You should paying attention to our hotel nothing else" sabi ni Dad.

Narinig kong bumukas ang pinto.

"Honey, tama na yan"

Si tita Kareen.

"No. I should teach her a lesson" giit ni Dad.

"Tama na yan Honey. Ginagawa naman nya ang best nya. Ako na ang aayos sa kaso sa Malta. Hindi lahat alam dapat ni Luisa. Hindi mo ba nakita or narinig? Alam na ni Luisa kung sino ang gumawa noon. Kaya ang gagawin na lang ay magsampa ng kaso laban sa gumawa nung article" pagtatanggol ni Tita Kareen sakin.

"You know I hate when someone standing right at you. Hindi ko gustong may nagtatanggol sayo dahil hindi sa lahat ng oras merong magtatanggol sayo. Palalampasin ko 'to Luisa. I told you, I hate Kent Cias." Sambit ni Dad at napatango na lang ako.

"You are forbidden to go outside." Dagdag ni Dad at bago nya ako paalisin.

Dali dali akong tumakbo sa kwarto ko at umiyak.

"Luisa?"

Si Tita Kareen.
Narinig kong bumukas ang pinto kaya naman umayos ako at pinahid ko ang luha ko.

"Thank you Tita. Pero dapat hindi mo na po ginawa yun. Lalo lang pong magagalit si Daddy" sambit ko.

Naramdaman kong umupo sya sa tabi ko.

"I know that. Nakita ko kasi ang sakripisyo mo kahit na ang kaligayahan mo ang kapalit noon." Sagot ni Tita.

"Hindi nya po ata nakikita sakin yun. Puro business lang po ata ang alam nya. Pati sariling anak gustong ibenta para lang maging success ang business nya" natawa kong sabi.

"Don't say that. Alam kong para sa future mo lang ang iniisip nya. Mahal ka ni Daddy mo kaya ganyan sya" sabi ni Tita Kareen.

"Pero bakit hindi nya nakikita ang ginagawa ko? Ginagawa ko naman ang lahat para i- please sya. Ginagawa ko naman lahat para sa kanya" sabi ko.

Uncontrolled (DREAM SERIES 2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon