Chapter 1: Encounter

35 4 0
                                    

Basti's pov

Nagising ako sa punyemas na ingay ng alarm clock ko, sinilip ko ito at nakitang alas 4 na ng umaga, kaya umupo muna ako sa aking kama at kinusot ang aking mga mata.

"Ano ba yan!!!! Wala paaa, hindi pa sapat ang beauty rest ko! Bakit ang bilis!" inis kong tugon at pinindot ng madiin ang alarm clock, dahil sa sobrang ingay nito.

Tumayo ako sa aking kama at pumunta sa banyo upang maghilamos. Tumingin ako sa salamin. "Ampogi ko talaga, kaso pogi rin hanap ko eh." Natatawang Sambit ko sa sarili habang nakatingin sa salamin.

Habang tumitingin sa salamin ay inayos ko ang magulo kong buhok. Kulay tsokolate ito at may kahabaan na hanggang leeg. Masasabi kong bagay talaga ito sa kulay ng balat kong may kaputian. Isa akong chinito na halos nakapikit na pag ngumingiti. Maipagmamalaki ko rin ang aking ilong sapagkat ito ay matangos. Ang aking labi na may pagkaputla na bagay naman sa naturinang balat ko. At ang pinaka panlaban ko sa aking itsura ay ang kulay ng aking mata, ito ay kulay berde.

Maganda ang aking pangagatawan, maituturing na nga akong babae dahil sa aking katawan. Androgynous, ayan ang palagi kong naririnig na tawag sa'kin ni Rica. Hindi ako ganon katangkaran, umiikot lang sa 5'7 to 5'8 ang height ko na sa tingin ko ay tama lang para sa isang 2nd year college student.

Pagkatapos kong maghilamos bumalik ako ng higaan upang magligpit na ng aking kama. Pagkatapos ay nagpunta na'ko sa aking kusina upang tumingin ng maluluto kong pang umagahan.

"Tss, hindi pala ako nakapag grocery kahapon kainis, pagtyagaan ko nalang muna tong hotdog at itlog" sabi ko sa sarili habang nag aayos ng aking mga gagamitin sa pagluluto. Sinabay ko na rin ang pagsasaing sa maliit na rice cooker na tama lang para sa akin.

Pagkatapos kong magluto, naghain nako ng aking pagkain sa lamesa at nagtimpla na rin ng kape. Habang kumakain ay tumunog ang cellphone ko na nasa taas ng table sa gilid ng kama ko.

Maliit lang ang apartment na inuupahan ko, sakto lang para sa iisang tao, kaya wala ng divider at nasa tapat ng sala ang kwarto ko, tabi naman ng sala ang mini kitchen na pinaglulutuan ko, syempre jusq anong gagawin ko don mga dai? Maglalaba? Haist ewan ko sa inyo. Yung cr ko naman ay nasa tapat ng mini kitchen.

Inabot ko yung cellphone at nakitang nag text yung nag iisa kong kaibigan na kampon ni Ether! Punyetang baklang toh ang aga aga eh, sya nga pala si Ricardo Batumbakal, Manly diba? Hahahah

From Rica:

"Bakla, gising ka na? Pag hindi kokonyatan kita! Bumangon ka na, ngayon tayo mag eenroll para sa dadating na pasukan! Second year college ka na kukupad kupad kapa!"

Ay aba, pektusan ko kaya tong babaitang toh? Grabe huhh!!!

To Rica:

"Oo piste ka, gising nako kanina pa, maliligo nalang ako at mag aayos pagkatapos kong kumain! Magkita nalang tayo sa parke, para sabay na tayong mag enroll."

" ay tyaka nga pala, dalhin mo mga requirements mong bobita ka, tatanga tanga ka pa naman."

Reply ko sa kanya at sumubo ng pagkain na malapit ko na ding maubos.

From Rica:

"Ansakit mo naman magsalita Basti, parang hindi kaibigan."

Inartehan pako ng baklang toh, nako mapepektusan ko talaga to mamaya!

To Rica:

"Nako tigil tigilan moko sa kaartehan mo Ricardo Batumbakal, baka mapektusan kita mamaya!"

Tumayo ako para hugasan na ang mga hugasing ginamit ko at para makapag gayak na.

From Rica:

"Oo na!!! Yuckk! Tigilan mo nga ang pagtawag sakin nyan!! Ano bang mahirap sa pagtawag ng Rica diba!!"

Righteous TalentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon