Prologue

41 4 0
                                    

Basti's pov

"Third monthsarry na namin ng bakulaw na 'yon ah? Bakit hindi ko sya makita dito sa school?" tanong ko sa sarili ko habang palinga linga ang tingin na para bang may hinahanap.

"Baka naman busy lang sa club nila" bulong ko sa aking sarili.

Ipinagsawalang bahala ko nalang ito at dumiretso na sa volleyball club room. Naglakad ako papunta sa clubroom para makapagpalit ng damit pang training. Pagkatapos kong mag ayos ay agad akong pumunta sa volleyball gym.

Ang posisyon ko naman ay setter. Ako ang control tower ng team namin. Isa akong regular. Kahit ngayong second year lang ako pumasok sa club. Hindi kasi ako nag balak noong nakaraang taon.

Necessary na kasi ngayong second year ang club. Sayang ang plus points kung papalampasin. Masasabi kong magaling naman akong manlalaro.

Nagsimula na ang training namin. Sapat naman ang team members para mag six on six match kaya naglaro kami.

Ako ang setter sa team namin. Masasabi kong accurate lahat ng toss ko kaya napupuri ako palagi ng mga upperclass men ko.

Nagsimula na ang laro.

"Mine" sabi ni joshua. Libero ng team.

"Captain" sigaw ko na katamtaman ang lakas ng itoss ko ang bola sa pwesto ni captain.

Nai-score namin ang puntos.

Hanggang sa nagtagal ang laban. Nanalo kami sa first set 25-19

Sa second set, natalo kami 24-26

Sa third and final set kami ang nanalo. Sa score na 31-29.

Pagod na pagod akong umupo sa tabi ng court upang magpahinga at uminom ng tubig.

"Nice game" sabi ng captain namin.

"Gather round" usal ni coach.

Napag usapan namin ang parating na interhigh prelims. Nais naming sumali at manalo. Pagkatapos ng meeting ay kanya kanya ng balik ng club room upang makapagbihis.

Nang matapos akong magbihis, nagpaalam nako sa mga ka team ko.

Dumiretso ako sa gym nila Adrian upang sunduin sya. Nagtanong ako sa mga taong andon.

"Kuya, asan po si Adrian?" Maikling tanong ko.

"Si Adrian? Wala naman sya ngayon ah?" Saad ng lalaki kaya bigla akong kinabahan.

"Huh" sambit ko sa sarili. "Wala si Adrian sa club? Bakit?" Namamawis kong dagdag. Nanginginig na ang mga kamay ko.

May sakit kaya si Adrian? Bakit hindi manlang nagsabi sa akin? Nako talaga tong bakulaw nato sarap hampasin.

"A-ah s-sige po s-salamat." Sabi ko sa lalaking pinagtanungan ko.

Mabilis akong umalis at tumakbo palabas ng gate. Nag taxi ako upang pumunta sa condo ni Adrian. May duplicate na ako ng condo nya sapagkat sabi nya ay maaari akong pumasok kahit kailan.

Nanginginig ako habang nakasakay sa taxi. Sinabi ko ang address kaya umandar na ang sinasakyan ko. Dinadagundong ng kaba ang dibdib ko.

"Ano kayang meron kay Adrian? Ayos lang kaya yung bakulaw nayon?" Kinakabahang sambit ko sa sarili.

Hindi ko namalayang asa tapat na pala kami ng building kung asan ang condo ni Adrian. "Hijo, andito na tayo." Sambit ni manong na nagpaulirat sakin.

Agad akong nagbayad at nagpasalamat kay manong. Umandar na ang sasakyan nya.

Pagkapasok ko sa building, halos mamasa na ko dahil sa sobrang pawis. Kinakabahan ako sa mga posibilidad na nangyayari.

Lakad-takbo kong tinungo ang elevator at pinindot ang floor kung saan nandoon ang condo ni Adrian.

Nang nasa tapat na ako ng pinto ay nanginginig kong nilabas ang duplicate key na ibinigay ni Adrian sakin. Hindi ko maisalpak ng ayos ang susi dahil sa labis na panginginig.

Lumalim lalo ang paghinga ko at lalo akong kinabahan.

Binuksan ko ang pinto at sumilip. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa nasaksihan ko.

Nangilid ang mga luha ko. Nanginig ang buong katawan ko at nanghina. Nanikip ang dibdib ko sa bagay na aking nakita.

Righteous TalentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon