Chapter 13: Thank you

10 3 0
                                    

Basti's Pov

Nagising ako bago pa tumunog yung alarm clock. "Nakaka proud!! Hindi pa tumutunog yung alarm clock ng nagising ako."may kahinaang sabi ko sa sarili.

Pero bakit ganon? Parang maliwanag na ah.

Tiningnan ko ang orasan at nakitang 3:29 palang ng madaling araw. Ano to? May liwanag agad? Naadvance ba yung sikat ni mareng araw? Nag sunrise ba sya ng ganto kaaga?

Dahil nga maaga pa eh, kinuha ko ang cellphone upang mag scroll muna sa social media.

"WAHHHHHHH" sigaw ko pagkabukas ng lockscreen sa phone ko. Gago kaya pala maliwanag na 6:28 na putaena! Sira na yung alarm ko hayop! Malelate na ako takte!

Nakita ko rin ang 27 mussed calls at 36 messages ni Rica na sinasabing asaan na daw ako. May isang message din si Joshua na tinatanong kung papasok ako.

Halos magkadulas dulas ako sa sobrang pagmamadali. Tinungo ko agad ang banyo upang maligo.

Nagmadali akong maligo, sabon dito, sabon doon. Shampoo dito, shampoo doon. Mabilis pa sa alas kwatro ng natapos akong makaligo. Chineck ko ang oras at 6:42 na ng umaga.

Pakshit! Traffic pa naman!! Nagbihis ako ng mabilisan, buti nalang ayos na ang gamit ko. Pag katapos kong magbihis ay agad kong pinatay ang lahat ng umaandar sa bahay at nagtungo na sa labas upang ilock ang pinto.

Hindi na muna ako kakain, sa school na mamayang break. Lakad takbo kong tinungo ang abangan ng jeep. Sa awa ng diyos ay nakasakay agad ako attttt wala masyadong traffic!!

Habang nasa jeep ay nilabas ko ang cellphone ko upang tingnan ang sarili sa camera. Kinuha ko ang suklay sa aking bag at sinuklay ang aking buhok. Buti nalang may hiya pa ang mga tigyawat at hindi sila nag paparty sa aking mukha.

Narating ko ng mas mabilis ang university at nakitang 2 minutes na lang late na ako. 6:59 na kasi at paniguradong andon na si Prof.
Lakad takbo kong tinungo ang aming room.

Nang makarating ako sa room ay laking pasasalamat ko dahil hindi pa dumadating ang prof namin. Agad akong tumabi kay Joshua dahil doon ang upuan ko.

"Late ka na seb ah? Anong meron?" Tanong nito.

Itinaas ko ang aking kaliwang kamay at nag sign ng stop, saglit lang hahabulin ko muna ang hininga ko. Halos tatlong minuto rin akong hingal kabayo, nang mahabol ko na ay humarap ako kay Joshua.

"Nasira kasi yung alarm clock, nagising ako na 3:30 palang ang nasa orasan kaya akala ko napaaga ako kasi hindi pa tumutunog yung orasan ko. Pero ng buksan ko ang cellphone, nakita kong 6:30 na" mahabang litanya ko na pinaliwanag ang mga nangyari.

"Idiot" bulong ng isa ko pang katabi. Kaya napalingon ako dito at nakitang nakatingin ito sa kanyang cellphone. Pepektusan ko tong bakulaw na ito!

"Ahhhh, you should replace your clock seb." sabi ni Joshua na tinanguan ko naman. "Samahan kita? Bili tayo mamaya?" dagdag pa nya.

"May duty ako mamaya eh. Baka ako nalang Josh. May madadaanan naman siguro ako" sabi ko habang nakangiti.

"Hey" mahinang saad ng isa pang katabi ko. Nilingon ko ito at nakitang nag cecellphone pa din. Babalik na sana ang tingin ko kay Joshua ng magsalita itong muli.

Righteous TalentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon