Chapter 15: Realization

4 2 0
                                    

Basti's Pov

*Kriiinggg kriiinggg kriiinggg*

Nagising ako sa ingay ng alarm ko, jusko kung yung dati maingay, ngayon sobrang ingay leche.

Pinindot ko na yung alarm ko at nakitang alas 4 na ng madaling araw.

Bumangon na ako sa aking higaan upang maghilamos. Kinuha ko ang tuwalya at tinungo na ang banyo upang magsimula na sa aking morning routine.

Makalipas ang halos 30 minutes na paghihilamos ay lumabas na rin ako ng banyo. Sinilip ko na nga yung laman ng ref ko upang makapili na ng aking umagahan.

Dahil nga mahigit dalawang oras pa naman yung natitira sa akin, naisipan kong magluto ng 3 burger steak, inuna ko na nga yung sinaing tapos naggisa na ako ng bawang at sibuyas sa isang kawali na lulutuan ng gravy.

Hiniwa ko na rin yung mushroom kasi gusto ko ng marami nyan, ginamit ko yung knor na seasoning na pang gawa ng gravy, medyo malabnaw nga kaya nilagyan ko ng cornstarch at pinakuluan sa low heat. Sa kabilang kalan eh sinimulan ko ng prituhin yung tatlong burger.

Dahil mabait na kaibigan si Rica paniguradong hihingi yon kaya ginawa ko ng apat yung niluluto ko for safety purposes, charot.

Iba-baon ko kasi yung tatlong burger para sa pasok ko ngayon. Friday na nga pala ngayon. 4 days na after nya akong halikan. 4 days na rin kaming hindi nag iimikan.

Iniling ko nalang ang ulo ko at tinuon na lang sa niluluto ko.

Natapos ako lahat lahat sa pag luluto, pag ba-baon at pag-kain sa oras na 5:27 ng umaga. Nailigpit ko na rin ang pinagkainan ko.

"Paniguradong traffic to ngayon" saad ko sa aking sarili. Dumiretso na akong banyo upang maligo.

Makalipas ang 35 minutes to be exact ay lumabas na ako ng banyo. 6:02 na nga pagkita ko sa orasan kaya nagmadali na ako.

Nagbihis ako ng black turtleneck na jacket kahit sobrang init sa pilipinas, at itim na slacks para namn sa sapatos ay yung black shoes kong nike yung sinuot ko. All black nga kasi ang theme ko, maitheme kasi ako. Charot may kaputian ako noh.

Chineck ko na ang bag ko kasi baka may nakalimutan ako. Wala naman. Kaya pinatay ko na ang lahat ng gumagana sa apartment ko at nilock na ang pinto.

Bigla ngang tumunog yung cellphone ko sa bulsa, may nag text ata.

From Rica:

Bakla, wala si prof ngayong first sub hindi daw makakapasok kaya vacant tayo.

Text nya kaya nakahinga ako ng maluwag.

To Rica:

Sigeh teh, Thankyou!

Reply ko naman sa kanya.

Balak ko sanang bumalik sa bahay kaso naisipan kong dumiretso na sa school. Tatambay nalang ako sa library.

Tinungo ko na ang sakayan ng Jeep, at sumakay na.

"Tsk, sabi na eh traffic." sambit ko sa aking isipan sabay ilang ng aking ulo.

Halos 40 minutong ang byahe ko patungong eskwelahan. Jusko naman wala bang solusyon dito, sana nagkapakpak nalang ako.
charot.

To Rica:

Bakla, nasa school nako, dideretso nalang akong library wala naman si prof. Text moko kung may update.

Text ko kay Rica na nireplyan nya naman ng "sige basti"

Righteous TalentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon