Chapter 9: Surprising Identity

12 3 4
                                    

Basti's Pov

Nakakahiya talaga!! Bwiset na Ricardo kasi yon eh.

Tinawanan pa tuloy ako ng mga kaklase namin. Pano ba naman kasi nakita ako ni prof na pinapakyuhan si Rica!

Natapos na ang klase namin at agad ng lumabas si prof. Last subject namin sya at alas 3 na ng hapon.

Dahil sa inis hinablot ko si Rica at kinurot sa tagiliran. Tumawa lang ang bruha.

"Ikaw kasi bwiset kang bakla ka, ano ano kasi pinagsasasabi mo!" inis kong turan sa bruhang tawa lang ng tawa.

"Ba-bakit, HAHAHA a-ko?" halos hindi makahingang turan nya dahil sa paghalakhak.

"Tse, mauna ka ng umuw-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang may humatak sakin.

Hinahatak ako ng bakulaw. Nainip na siguro. Hinayaan ko na lang, nang may maalala ako.

"T-tekaa! Yung bag ko Mr. King" saad ko habang nagpupumiglas sa hawak nya.

"Tss, here" saad nya sabay hagis sa bag ko. Grabe naman to makahagis! Wagas. Bag mo??? Pano kung nabasag yung flesh light ko dito? Charottt!

Dinala nya pala yung bag ko? Teka nga bakit bako kinakaladkad neto?

"Hoy, Mr. King, kaya kong maglakad bitiwan moko! Masakit! Bakit mo bako kinakaladkad?" saad ko habang nagpupumiglas at humihinto para mapahinto rin sya. Hindi effective, ang lakas ng halimaw na'to!

"Tss, shut up slow poke!" maawtoridad nitong ani kaya napatahimik ako. Ok. Ok! Galit agad?

"Fine, I'll lead the way to our club." saad ko at inunahan sya sa paglalakad. Hawak hawak nya parin ang aking mga kamay kaya parang may mga kuryenteng nagpapaikot ikot sa aking katawan.

"My hand" saad ko in my best authoritive voice.

Haluh ang tukmol hindi ako binitawan kaya tiningnan ko ang kamay ko na hawak nya saka tumingin sa kanya habang nakataas ang isang kilay.

"Just go, it's just a fucking hand." ani nya kaya natuod ako. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa volleyball gym. Buti andito silang lahat.

"Oh? Why is the basketball's varsity player is here?" tanong ni captain na napatingin sa kamay ng tukmol na nakahawak pa den.

Ngumisi bigla si captain kaya nagtaka ako. "Akala ko kayo ni Joshua, ang sweet sweet nyo kasi every training seb." may ngising sambit nito, kaya namula ako bigla.

Nagulat ako ng biglang humigpit ang hawak ng bakulaw na'to. Napadaing ako ng mahina kaya agad akong nagpumiglas sa hawak nya. Agad nya itong pinaluwagan pero hindi pa rin tinatanggal ang hawak.

Napabuntong hininga nalang ako. Namumula na ako dahil sa mga titig ng mga kateam ko.

"Kayo naba ni Adrian, Seb?" tanong ni captain kaya nagulat ako. Sasagot na sana ako ng nagdagdag pa ito. "Take care of our genius setter, varsity player" nakangising dagdag nito kaya agad akong pinamulahan.

"Hindi! Mali ka ng iniisip captain, Hindi kami. Bitiwan mo nga ako." saad ko habang nagpupumiglas sa hawak nya na nagtagumpay kaya agad akong dumistansya.

Righteous TalentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon