Chapter 4: Memory

26 3 1
                                    

3rd's person pov

Hindi mapakaling natutulog si Sebastian. Pawis na pawis sya't napakalalim ng paghinga. Hindi magkamayaw sa kakagalaw at kakaungol si Basti. Balisa ito habang nakapikit at tulog. Nanginginig na ang buong katawan ni Basti dahil sa kaba at takot na nararamdaman nya.

Nakaaawang pagmasdan ang kabuuan ni Sebastian habang hindi mapakaling natutulog. Sa pagtulog nya lang nailalabas lahat ng mga nararamdaman nya.

Basti's pov

"Ano? Huh? Putangina! Ulitin mo nga yang sinabi mo Sebastian? Bakla kang hayop ka?" Sigaw ni papa kaya ako ay napayuko.

Nagtatangis at nangingilid na ang mga luha sa aking mga mata, kaunting tulak nalang ay aagos na ang nagbabadyang mga luha. Ang sakit! 'Bakit ko ba kasi naisipang umamin. Ang tanga mo Basti! Napakatanga!' Sambit ko sa aking isipan.

Bigla nalang akong nabingi, namanhid ang kaliwang pisngi at tumilapon sa sahig ng sampalin ako ng pagkalakas lakas ng aking ama.

"Putangina! Sebastian! Anong kagaguhan to? Bakla ka?" Galit na galit na turan ni papa na hindi magkamayaw kung saan pupunta.

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa mawalan na ako ng boses at manghina. Bago pa man bumagsak ang talukap ng aking mga mata, nasilayan ko at naramdaman kung paano ako kaladkarin ni papa. Binalot na ng kadiliman ang aking paningin hanggang sa huling patak ng luhang nangilid sa aking mata.

÷_÷

Napabalikwas ako ng gising ng maramdaman ko ang luha sa aking mata. Naluha ako ng maaalala kung anong bangungot na naman ang napanaginipan ko. Umiyak ako ng umiyak, hindi ko na kayang pigilan ang sakit na dinadanas ko!

Inisip ko lahat ng mga nangyari sa akin, na lalong nagpadurog sa kabuuan ko. Hirap na hirap nakong kumapit! Hirap na hirap nakong buuin ang pagkatao ko! Sobrang sakit!

"Gusto ko ng sumuko"humahagulgol kong tugon sa sarili ko.

"Nakakapagod palang magpanggap! Nakakasawa, sobrang sakit pala." Umiiyak kong sambit sa hangin.

"Sana nga Rica, unahin nakong kunin! Pagod nako, ang hirap palang kumapit kung sinulid nalang ang laban mo!" Pabulong kong saad habang patuloy ng umiiyak.

"Ikaw ang sinulid na yon Rica! Salamat sa'yo. Maraming salamat sayo at hinahayaan mo pa akong mabuhay! Tinutulungan mo akong makabangon, ikaw nalang ang pag-asa na mayroon ako upang magpatuloy" sambit ko sa aking isipan habang patuloy na umiiyak.

__________________________

Flashback

"Ang galing mo talaga anak! Proud na proud si mama sayo!" Saad ni mama na ikinagalak ko.

"Talaga? Ikaw ang top 1 sa inyo? Grabe talaga tong panganay natin mahal, mana sa tatay!" Nakangiting tugon ni papa na ikinatuwa ko.

"Para po ito sa inyo 'ma, 'pa, gagalingan ko po palagi!" Masayang sambit ko

Maayos ang pamilya namin! Masaya kaming namumuhay at makalipas ang dalawang taon, nabiyayaan ulit kami ng anghel na dumagdag sa pamilya namin.

Ang saya saya ng araw na'yon para sa amin. Binigyan ako ng nakababatang kapatid na pinangalanan naming Jeremy, Jeremy Natividad.

Righteous TalentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon