Chapter 3: Bestfriend

21 4 0
                                    

Basti's Pov

Pagkatapos kong mag ayos ng sarili, tumingin ako sa salamin kung bagay ba sa akin ang napili kong damit. 'Ay pakkk, shala ko today. Ang ganda mo ngayon Basti ah, bibili lang naman kayo ng gamit' sabat ng walang kwentang utak ko, unti nalang ihihiwalay ko na sa ulo ko toh!

"Bakla, bagay ba sakin yung suot ko?" Tanong ko kay Rica na kanina pa nakangiti sa cellphone nya habang tipa ng tipa.

Aba't hindi ako narinig punyemas na'to, grabe kung makahiga sa kama ko ta's hindi mamamansin? Teka nga! Kinuha ko yung cellphone at tiningnan kung ano o sino ba ang kausap ng bruhang toh.

"Sino toh Rica?" Tanong ko habang nag babackread sa chats at iniiwas yung cellphone para hindi mabawi ni Rica.

"Ano baaa!! Wag mong basahin Bastiiii! Wag kang pakielamerang hindot kaa. Wahhhhhh kainternet love ko yan!!!! Akin na yan!" Nahihiyang tugon ni Rica habang pilit na inaagaw ang cellphone sa aking kamay.

"Bebe loves, I love you. Do you love me too?"pagbasa ko sa chats ni Rica na lalong pinamulahan ng pisnge. "Ang corny nyo bakla HAHAHHAHAHA, ano toh? *ako lang huh? Wag mokong ipagpapalit* HAHAHAHHA may paganyan bakla? Cringe!" Tumatawang pang aasar ko kay Rica na hindi magkamayaw kung saan na mapupunta ang pamumula sa sobrang hiya.

"Wahhhhh! Akin na yan Bastiii, kakalbuhin kita!! Akin na yannnnn!" Inis na sambit nya at naagaw nya na nga ng tuluyan ang cellphone kaya agad nya itong itinago sa bulsa nya.

"HAHAHAHAHAHHAH, ano yon bakla? Ka fling mo? Internet love? Nakoo pag ikaw pinerahan nya ewan ko sayo! Ayusin mo yang desisyon mo huh! Kilalanin mo muna yan tas pakilala mo na din sakin" tila nang aasar kong tugon na may halong nakakangilabot na ngisi. Hindi maipinta ang mukha ni Rica ng sabihin ko iyon HAHAHAHAHA.

"Tumigil ka Basti, akin lang ang bebe loves ko! Hindi ko sya ipapakilala sayo, baka agawin mo pa! Tse" tugon nya sabay irap sa 'kin.

"Pfffftt. As if naman aagawin ko yang *bebe love* mo, Hahahahahah" may diin kong sambit na may nang aasar na tinig kayq namula na naman ang bruha kong kaibigan.

"Tse, tara na nga. Sasakalin kita jan Basti tamo." Inis na turan ni Rica at tsaka lumabas na ng apartment ko. Pinatay ko lahat ng nakasaksak bago sumunod sa labas. Nilock ko ang pinto kc safety first mga dai baka nakawin yung dildo ko sa loob ng aparador. Charott virgin ako noh chupii kayo!!

Nang makarating kami sa mall ay pumunta na kaming national bookstore at namili na ng mga kakailanganing gamit. Same course lang naman kami netong baklang to. Ewan ko bat ang ganda naman ng gawa nya sa plates kahit d masyadong marunong! Letsugas na math kasi yan, siguro sukat na sukat yung gawa nya gamit yung ruler na mas straight pa sa pagkatao ko. Hirap na hirap talaga akong magsukat!! Kainis na ruler yan d kami magkasundo.

Nang mabili na namin ang lahat ng mga kakailanganin namin ay napagpasyahan naming kumain sa isang fast food, para sa hapunan namin. Nang makapasok kami sa loob ay ako na ang umorder at pinabuhat ko yung mga gamit ko kay Rica kasi sya maghahanap ng upuan.

Ako naman manglilibre ngayon kasi, nilibre nya na ako kahapon. Nakakahiya naman diba, plus gusto ko rin syang ilibre kasi sya lang ang naging kaibigan ko since then! Kaya nagpapasalamat ako kasi nagstay sya sakin.

Pagkatapos kong umorder, dala ko na ang tray na inorder ko kaso may naiwan pa sa counter kaya pinadala ko nalang sa foging waiter! Mahuhulog na ang lingerine kong panty dahil sobrang hawt nya! Charot ang landi mo!

"Bakla, oh abutin mo nga tong tray" saad ko kaya agad tumayo si Rica palapit sakin. Tapos ang deputang baklitang toh, nilagpasan ako!!! Nag kuyom bagang at lumiit ang mga mata ko dahil sa inis kaya naglakad nalang ako sa table para ilapag ang tray.

Righteous TalentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon