Chapter 10: Just this night

8 3 0
                                    

Sorry po ngayon lang, naging busy po kasi eh!!

Happy reading!!

_______________________


Basti's Pov

"M-Mr. Martin?"

Halos lumuwa ang mata ko sa aking nakita. Namula ang mukha ko dahil sa aking nasabi. Medyo napalakas kasi ang aking boses dahil sa gulat.

Nakakahiya!!!

"Oh, Iho. Sebastian right? Ikaw pala yan. Anong ginagawa mo dito?" mahinahong saad ni Mr. Martin na bakas rin ang gulat sa kanyang mukha.

"It seems that you know each other dad." saad naman ng katabi kong halatang gulat den sa pangyayari.

Tragis tatay nya pala si Mr. Martin? Ang saya naman talaga!!!

"A-aahh eh kasi, amo ko si Mr. Martin, nagtatrabaho ako sa coffee shop na pagmamay ari nya." saad ko.

"That so?" maikling tugon nito at dumiretso na sa hapag. Napaka walang modo talaga netong si Mr. King sarap pektusan. Ibang iba sya sa tatay nya.

Nagtungo na rin ako sa hapag habang bitbit si Shane, she's hugging me as if antagal na naming magkakilala. Napakasweet talaga nitong batang 'to.

Iniupo ko sya sa isang upuan. Magkatabi kami ni Shane. Kumbaga long oblong table ang lamesa, nasa dulo si sir Martin, nasa kanan nya naman yung babae na sa tingin ko mama ni Adrian. Tapos katabi ni Adrian yung mama nya. Samantalang nasa kaliwang bahagi naman kami, nasa kaliwa ni sir si Shane at katabi ko naman si Shane. Kaya kaharap namin ang kuya nya.

"Kuya! Where's my cake?" Biglang sigaw nito sa kaharap namin kaya nagulat ako.

"Ah, I forgot baby, sorry. I'll just buy you tommorow." saad ni Adrian habang nakangiti. May good side din pala tong kumag nato?

"Hmp." segunda ni Shane. Ay aba't maldita rin pala ang isang to? May future toh!!! Char.

"Oh Iho, bakit ka pala andito?" Tanong muli ni sir Martin.

"Ah, kasi po may gagawin po kaming pro--" naputol ang aking sasabihin ng biglang may sumingit.

"Because he is too dumb at math and I need to tutor that faggot for the sake of our project, he seems to be a burden" pagputol ni Adrian habang nakapokus pa rin sa kanyang kinakain.

Aba't itong hinayupak na'to napakasama talaga ng ugali. Hindi ka ba marunong magsugar coat huh? Bwiset!

Umakyat lahat ng dugo sa aking mukha dahil sa hiya. Tong bakulaw na'to sarap prituhin sa kumukulong mantika!

"Watch your mouth, Adrian!" maawtoridad na sabi ng mama ni Adrian, grabe ansarap sa ears ng boses nya. Ang ganda ganda nya pa! Mukhang mabait naman si mudra.

Nagkibit balikat nalang si Adrian at nagpatuloy sa pagkain.

Nahiya naman ako kaya hindi na ako nakapagsalita. Kinakabahan ako at the same time nahihiya.

Binalot ng katahimikan ang buong hapag. Nang biglang may sumira dito na isang Baritonong boses. Kilala ko 'to ah, nabobosesan ko sya!

Righteous TalentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon