07

224 11 4
                                    

Ilang buntonghininga muna ang pinakawalan ko saka ko naisipang bumaba na sa sasakyan ko at maglakad papasok sa coffee shop na sinabi sa akin ni Sancho, iyong nakakuha sa ID ko kagabi.

Inaamin ko, guwapo nga talaga siya. Noong ini-stalk ko sandali 'yong account niya kanina ay nakita ko halos lahat ng mga post niya, kahit iyong mga five years ago na of three years ago ay nakita ko pa rin. Gusto ko lang naman kasi siyang makilala ng kaunti, wala lang. Bigla lang akong na-curious sa kaniya.

"Ma'am, this way po."

Wala sa sarili akong napasunod sa isang waiter na lumapit sa akin nang makapasok na ako sa coffee shop. Inihatid ako nito sa isang table kung saan may isang lalaking tahimik na nakaupo habang nakakunot ang noong nakatitig sa cell phone niya.

Nang makaupo na ako ay nagpaalam naman iyong waiter na aalis na, kasabay naman noon ay ang pag-angat ng tingin ni Sancho sa akin.

Napasinghap ako ng bahagya nang tuluyan kong makita sa malapitan ang mukha niya. 'Naknampucha! Ang pogi! Matangos ang ilong, mapupula ang mga labi, sobrang ganda ng mga mata na kulay tsokolate, may pagkamakapal din ang kilay niyang bagay na bagay pa rin naman sa kaniya.

"Hi," wala sa sariling bati ko rito.

"Hi, what do you want? It's my treat," aniya saka ngumiti sa akin.

"Huh? Kahit ano lang! Ikaw na bahala, thank you in advance na rin." Tumango ito saka tinawag iyong waiter at nagsimulang um-order.

"Here, your ID." Marahan niyang itinulak palapit sa akin iyong ID kong kaagad ko namang tinanggap.

"Thank you nang marami rito, ha? Hindi ko alam kung paano pa ako makakapasok sa trabaho ko kung nawala itong ID ko." Ngumiti ako sa kaniya na kaagad naman niyang sinuklian.

"No problem. By the way, I forgot to introduce myself to you. I'm Sancho Faustino Vargas, a pilot." Inabot niya ang kanang kamay niya sa akin na tinanggap mo naman.

"February Lavender Delgado, architect naman ako," nakangiting pakilala ko na tinango-tanguan naman niya.

"Your name sounds beautiful. Its a unique name," natutuwang sabi niya.

Grabe, hindi ba siya marunong magsalita ng Tagalog?

"Ah, salamat. August kasi nagkakilala ang mga magulang ko kaya 'yon ang naisip nilang ibigay na pangalan sa kapatid kong lalaki na mas matanda sa akin, tapos February sila ikinasal kaya 'yon naman ang ipinangalan sa akin," nakangiting pagkukuwento ko.

Hindi ko alam pero komportable ako sa kaniya. Maliban kay Daisy ay siya lang ang taong nakikita kong willing na makinig sa mga kuwento ko, hindi kasi siya mukhang bored o napipilitan lang, e. Mukha pa nga siyang natutuwa na marinig akong magkuwento sa kaniya.

"I like you, huh." Napaubo ako sa sinabi niya kaya naibuga ko ang iniinom kong kape na kabibigay lang ng waiter.

"H-Huh? Ano'ng ibig mong sabihin diyan?" naguguluhang tanong ko.

"Para kasing ang dami mong kuwento sa buhay, halatang masaya ka pa habang nagkukuwento sa akin," paliwanag niya.

"Ah, gano'n ba? Pasensiya ka na, medyo makuwento lang talaga akong tao, minsan lang kasi ako may makilalang willing na makinig sa mga chika ko." Nahihiyang ngumiti ako sa kaniya kaya napatawa siya.

"You don't have to say sorry," aniya saka ako inabutan pa ng isang tissue.

"Naghahanap ka ba ng puwede mong maka-date?" Halos sampalin ko na ang sarili kong bibig nang kusa na lang lumabas ang tanong na iyon sa akin.

Iniisip ko lang naman 'yon kanina!

"Honestly, I'm not." Napatango na lang ako. "But if you want, we can try, though," dagdag niya na nakapagpatigil naman sa akin.

"Try? Pa'no kapag hindi nag-work?" naiiling na tanong ko.

"I'm going to make it work then. Or we're going to make it work." Ngumisi siya sa akin na nagpakunot naman sa noo ko. "Date me. Date Me, Ms. February."

Date Me, Ms. February Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon