22

113 8 0
                                    

"Putangina? Ano raw?! Babe? Shet!" Halos magpagulong-gulong na ako sa kama nang mabasa ko ang huling message niya sa akin, pilit niya kasi akong keep kinukulit tungkol doon sa sumunod na nangyari sa nakuwento kong kahihiyan sa buhay ko noong nasa elementary pa lang ako.

Tungkol 'yon noong magko-confess ako roon sa crush ko mula noong Grade 4 hanggang Grade 6. Sobrang pogi naman kasi niya 'no! Matalino, matangkad, matangos ang ilong, may sense of humor, at marami pang iba. Grabe nga, nasa kaniya na yata ang lahat ng katangian na gusto ko sa isang lalaki, ang kaso lang ay nakakahiya ang nangyari noong araw na aamin na ako sa kaniya.

"Hoy, sis! Nakita ko sa library 'yong crush mo!" kinikilig na bulong sa akin ni Daisy sabay hampas sa braso ko.

"Alam mo namang hindi puwede ang maingay roon, hindi ako makakaamin nang maayos sa kaniya kung nandoon siya." Napabuntong-hininga ako at napasimangot.

Ang tagal ko na kasing balak na umamin sa kaniya, ang kaso nga lang ay hindi naman ako makahanap ng tiyempo. Ang hirap na nga niyang hagilapin, mukha pa siyang masungit dahil kahit isang beses ay never ko pa siyang nakitang ngumiti.

"Wait, 'yon siya, oh!" muling bulong sa akin ni Daisy sabay turo sa lalaking naglalakad sa tapat ng classroom namin.

Hindi na ako magkanda-ugaga sa paghahanap noong letter na isinulat ko para sa kaniya na itinago ko sa loob ng bag ko. Bigla kasi akong nataranta, idagdag pa ang paghampas ni Daisy sa braso ko. Mas kinikilig pa siya sa akin samantalang ako naman ang may gusto roon!

Nang makita ko ang letter na isinulat ko para sa kaniya ay mabilis akong lumabas ng classroom namin, pero dahil sa katangahan ko ay bigla na lang akong natapilok at napasubsob sa sahig. Grabe, una pa talaga ang mukha ko!

Sana naman hindi napisat ang mahal kong ilong!

Napaangat ang tingin ko sa lalaking tinulungan akong tumayo, may kinuha siya sa bulsa niya na isang panyo at ibinigay iyon sa akin. Hindi katulad ng ibang estudiyante na nakita akong nasubsob at tinawanan ako, siya seryoso lang, parang may nakita pa nga akong pag-aalala sa mga mata niya, e.

Pero baka nag-a-assume lang na naman ako.

"Be careful next time." paalala niya na wala sa sarili kong tinanguan.

"S-Salamat," nahihiyang sagot ko.

Tumango lang siya sa akin at naglakad na paalis. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa bigla na lang akong kinalabit ni Daisy dahil nakatulala na raw ako habang dumudugo ang ilong ko.

Out of all the most embarrassing moments f my life, that is the most embarrassing one. Kaya ayaw kong malaman niya ang tungkol doon dahil baka pagtawanan niya lang ako.

Date Me, Ms. February Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon