57

102 4 2
                                    

February's POV

Nasa venue na kami ngayon. Umiiyak pa ako kanina sa simbahan habang nagsasabihan ng vows sina Trojan at Daisy, dinaig ko pa yata iyong mama niya sa pag-iyak ko kanina, e.

Pero hindi ko rin naman kasi maiwasan, si Daisy kasi 'yong nandiyan noong mga panahong mag-isa ako, nag-stay siya sa lahat ng ups and downs ko, lalo na noong mga panahong stress na stress ako sa college life.

"Sis, tama na 'yang iyak. Hindi naman ako lilipat sa ibang bansa, nagpakasal lang ako," natatawang sabi sa akin ni Daisy.

"Siyempre, happy lang ako," umiiyak na sagot ko. Mabuti na lang at waterproof itong makeup ko kaya hindi kumakalat!

"By the way, nasaan na si Sancho? Kasama lang natin 'yon sa simbahan kanina, ah!" ani Trojan saka ipinulupot ang braso sa beywang ni Daisy.

"Hayaan mo na 'yon. Maya-maya lang nandiyan na rin 'yon, halika ka na. Ihahagis ko na 'tong bouquet ko," aya ni Daisy saka ako hinawakan sa kamay at hinatak.

Huminga ako nang malalim nang bumuwelo na si Daisy sa para sa paghahagis ng flower bouquet niya. Mabilis na nagtilian ang lahat nang ako ang makasalo noon, kasabay na rin no'n ay ang biglang pagdating ni Sancho at pagluhod sa harapan ko habang may hawak na isang maliit na pulang box na may lamang singsing na may diamond sa gitna.

"February Lavender Delgado, my first, true, and greatest love. The woman that I promise to love, protect, and take care until my very last breath..." huminga siya nang malalim at ngumiti sa akin. "Will you marry me?"

Wala sa sarili akong napatango. "I will. I will, Faustino." Mabilis niyang isinuot sa daliri ko ang singsing at tumayo saka ako niyakap nang mahigpit.

"I love you so much, thank you, Mi Amor."

Date Me, Ms. February Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon