13

148 8 2
                                    

"Sis, mukha ka nang tanga riyan," komento ni Daisy saka ako inirapan.

Nandito kami ngayon sa coffee shop kung saan kami nagkita ni Sancho noong nakaraan, inaya ako nitong kaibigan kong lumabas dahil may importante raw siyang sasabihin sa akin.

"'Te, sobrang guwapo na nga niya, sobrang caring pa!" kinikilig na sabi ko rito na siya namang ikinairap niya.

"Tapos nagrereklamo ka pa sa 'kin dahil binigay ko ang number mo sa kaniya," pairap na aniya kaya natawa ako.

"Change topic na nga! So, ano ba 'yong importanteng sasabihin mo sa akin?" tanong ko saka humigop doon sa kape ko.

"Magpapakasal na ako."

Mabilis kong naibuga ang iniinom kong kape nang marinig ko ang sinabi niya.

"What?! Kasal?" gulat na tanong ko na tinanguan naman niya.

"Oo, at ikaw ang balak kong kunin bilang maid of honor ko," sagot niya saka pinadausdos palapit sa akin ang isang kulay sky-blue na invitation.

Wala sa sariling kinuha ko iyon at binuksan. Nakalagay roon ang oras, araw, at kung saan gaganapin ang kasal nila, pati iyong address ng venue ay naroon na rin.

"Hindi ko lang muna sinabi sa 'yo kasi alam kong mabibigla ka. Alam ko kasing ang alam mo lang ay engaged na kami ni Percy, pero hindi ko lang sinabi sa 'yo na matapos niyang mag-propose sa akin ay pinaghandaan na talaga namin iyong kasal," paliwanag niya.

Daisy and I are friends ever since we were both in grade school, we studied on the same school from elementary to high school, and took the same course from the same university.

Maluha-luha akong ngumiti sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. "Congratulations, babe! I'm so happy for you!" naiiyak na sambit ko kaya natawa siya.

"Ito naman! Ako ang ikakasal at hindi ikaw, bakit ikaw ang naiiyak diyan?" natatawang tanong niya pero namumuo na rin naman ang luha sa mga mata niya.

Pabiro ko siyang inirapan saka chineck ang cell phone kong bigla na lang nag-vibrate.

From: Sancho

how's your day, Lavender?

Date Me, Ms. February Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon