70

129 5 1
                                    

February's POV

"Sancho..." nanghihinang tawag ko sa asawa ko habang mahigpit kong hawak ang kamay niya.

Pangalawang panganganak ko ito pero napakasakit pa rin talaga! Ayaw ko namang magpa-cesarian, mas gusto ko ang normal delivery kaya kahit masakit ay tinitiis ko.

"You can do it, my love. Kaunting tiis na lang, lalabas na rin si baby," bulong niya sa akin saka ako hinalikan sa sentido.

Nang huling ire ko na kung saan inilabas ko na ang lahat ng lakas ko ay ang saktong paglabas ng pangalawa naming anak at ang pag-iyak nito.

"It's... It's a boy..." naluluhang sambit ni Sancho habang nakatitig sa anak namin.

Matagal na niyang gusto ang lalaking anak, pero masaya pa rin naman kaming dalawa at mas tuwang-tuwa pa siya sa akin nang malaman niyang babae ang panganay namin, sinadya ko nang hindi muna alamin ang gender ng bunso namin dahil gusto kong surprise iyon.

"May mini version ka na," natatawang sabi ko kaya mahina rin siyang napatawa.

"I love you so much, Lavender, and of course, our two babies too. I love you, all of you, so much. And I will always will."

I love you even more too. Always and Forever.

Date Me, Ms. February Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon