41

96 8 0
                                    

Sancho's POV

"Ano na, p're? Kanina ka pa tulala riyan, ah!" Napailing-iling sa akin si Trojan.

"Kanina pa rin check nang check diyan sa cell phone mo," sabat naman ni Mark.

It's my brother's birthday today, hindi naman talaga ako sasama sa kanilang uminom pero dahil mapilit ang dalawang 'to ay wala na akong nagawa.

"Kanina pa siya walang message sa akin." Napahilot ako sa sentido ko.

It's been three hours since she messaged me, wala nang sumunod pa. Ang sinabi niya lang sa akin ay kakain lang siya ng lunch pagkatapos ay tatawag siya dahil may balak siyang sabihin sa akin, pero tatlong oras na ang lumipas pero wala pa rin.

"Baka naman busy lang, masyado ka namang nag-o-overthink diyan," ani kuya na tinanguan naman nila Trojan.

I looked at my phone when it suddenly vibrated. Nag-chat pala si Daisy.

Messenger

Daisy Alexa Santiago

Today, 9:32 PM

Daisy:

mataas ang lagnat ni Feb kaya hindi na siya nakatawag sayo.

ang sasabihin lang naman niya ay nagustuhan ng sumunod niyang client yung project na ipinakita niya kanina :D

Sancho:

how is she?

Daisy:

don't worry, she's fine.

nandoon siya sa bahay nila sa Cavite, huwag ka na raw mag-alala sa kaniya

Sancho:

can you send me her address?

I just want to make sure that she's fine.

Daisy:

sigii, wait lang.
seen

Date Me, Ms. February Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon