8

83 4 0
                                    



Los Angeles International Airport

I smiled when I read it. Its been a while since the last time na nagpunta ako dito. Its been a year na din pala when my family decided to live with my sister away from all the negative things na dala ng pagpasok ko sa showbiz. To rest and to forget the issues caused by me.

And here I am, going back to them only to give them another headache. Ganon siguro talaga. Kahit na iwasan mo ang mga bagay na alam mong magiging problema, mangyayari at mangyayari talaga.

I saw my sister who's waiting for me. She's all smile. Beside her is her American husband.

Before I said anything, niyakap na niya ako nang mahigpit.

"Pot! Namiss kita!"

"Namiss din kita Ate! Kayong lahat."

I was teary-eyed nang niyaya na ko ni Ate na sumakay sa sasakyan nila.

"Tama na yan, sa bahay na natin ituloy. They don't know you're here. So alam mo na.."

Tumango ako saka chineck ang fone ko. Siguradong mapapahamak na naman ang handler ko nito. My management doesn't know about this trip. Ang alam nila, I'm just taking advantage of my vacant days na galing sa commitments ko na na-reschedule next week.

We're both silent ni Ate hangang makarating kami sa bahay nila. She opened the door for me saka huminga ng malalim bago bumaba.

"Natatakot ako Ate. Paano kung—"

"Ssshhhh. They will understand. Trust me."

Pinilit kong ngumiti kahit na alam ko sa sarili ko na madidisappoint ko na naman sila sa ikalawang pagkakataon. I want to believe Ate Shine na magiging okay lahat, but I'm also expecting the worst. I want to be ready kung sakaling hindi nila matanggap ang sasabihin ko.

Hinawakan ni Ate Shine ang kamay ko habang binubuksan ang front door ng bahay. They'll probably at the kitchen. After all, dinner time na ang pagdating namin.

"Shine ikaw na ba yan?—-"

Natigilan si Mommy nang makita ako sa tabi ni Ate Shine. She immediately cried habang sinasalubong ako ng yakap.

"Pot— Anak!"

Hindi ko na rin napigilan ang luha ko. I hugged Mommy na para bang mawawala lahat ng problema at kapalpakang nagawa ko. We are both crying pati si Ate na pinipispis ang likod ni Mommy.

"Sino ba yang dumating— Sarah, anak?"

Si Daddy na nagulat din nang makita kaming nagiiyakan ni Mommy.

"Daddy—"

Niyakap niya kami ni Mommy. Nakiyakap na din si Ate. I don't know gaano kami katagal na nagyayakapan but si Mommy ang unang kumalas para pahiran ang mga luha ko.

"Anak, bakit hindi ka man lang nagsabing darating ka. Naghanda sana kami. Nasundo ka sana namin ng Daddy mo."

"Oo nga naman, Sarah, anak. Kaya pala nagmamadali itong Ate mo, susunduin ka pala."

"Sorry po, My, Dy. Biglaan lang po. Ang totoo po niyan, may gusto po akong sabihin sa inyo nila Daddy."

"Mamaya na yan, anak, halika, kumain muna tayo. Kaya pala sabi ni Shine magluto ako ng Adobo. Darating ka pala."

We had our dinner like before. Tawanan at kwentuhan. Ito yung isa ko pang namimiss. Ganitong magkakasama kami. I suddenly felt guilty. Paano ko sisirain yung masayang moment na to ng pamilya ko. Nang dahil lang sa problema ko, may posibilidad na madamay na naman sila.

Worth LovingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon