5

82 5 0
                                    



"VICE???"

Shocked all over my face lalo na nang bumaba ang mata ni Vice sa kamay ni DJ na nasa bewang ko.

"Ay de puta!"

Napatulala na lang kami ni DJ habang sinusundan ng tingin si Vice na dire-diretso sa kitchen. Dali-dali siyang uminom ng tubig at saka biglang nagbukas ng wine na nasa island counter at saka agad na ininom.

"Nananaginip ba ako, Sarah Geronimo at Daniel Padilla? Pakisampal ako please."

Dahan-dahan akong lumapit kung nasan si Vice kasunod si Daniel.

"Vice, please calm down, okay?"

I am about to hold her arm nang nagulat ako nang tumakbo siya papunta kay DJ. We watched him na parang nababaliw sa kakatingin sa amin.

"Magjowa kayo? Sa true ba? Nakakaloka kayo."

"Can you calm down? Tara sa office ko."

Bumalik siya sa island counter ko saka kinuha ang wine na binuksan niya saka sumunod sa akin sa office. Susunod sana si Daniel pero buti na lang nakuha niya ang tingin ko.

"Ang aga mo naman! Akala ko dinner time ka pupunta e."

I told Vice na parang walang nangyari kanina sa labas.

"Sarah Geronimo, tigilan mo ako ha. Mabuti na yung napaaga ako, nalaman ko tuloy ang kalandian mo."

"Grabe. Malandi agad? Nagmahal lang."

"So ano nga, kayo ni DJ?"

I watched him na naupo sa couch while drinking saka ako umupo sa swivel chair ko.

"Yes."

He didn't say anything. I understand him. Kahit naman ako, this is a big revelation.

"Are you happy?" he asked me and I noticed his soft expression.

I smiled and my tears fell.

"I've never been this happy, Vice. I know it's wrong, I know it's unfair to everyone lalo na mga partners namin— and syempre you might see me differently, a lot of people might judged me— but I'm happy. I love him."

Naramdaman ko na lang na nakalapit na sa akin saka lumuhod si Vice sa harapan ko. Naramdaman ko na lang na niyakap niya ako nang mahigpit. Lalo akong naiyak.

We stayed like that for a few minutes bago niya pinahid ang mga luha ko.

"Kung masaya ka, at mahal mo siya, sino ako para husgahan ka?"

Yumakap ulit ako sa kanya. And for the first time, para akong nabunutan ng tinik. Ganito pala talaga ang feeling na may taong nakakaintindi sa pagkakamali mo.

"Marami ka nang pinagdaanan. Hindi ko sinasabing tama lahat nang ito, pero bilang kaibigan mo, deserve mong maging masaya."

"Thank you, Vice. For not judging me— Kahit na hindi mo pa alam ang buong kwento."

"Sus! Para saan pa at magkaibigan tayo— at ano bang hindi alam. Marami akong libreng oras, Sarah Geronimo. Matatapos natin yang buong kwento mo."

Tumayo kaming pareho when we heard DJ sa likod ng pinto.

"Pasok na, echoserong to!", sigaw ni Vice.

"Andito na si Ate Mel at ready na in a few minutes yung ribs, Vice, paborito mo— then kakain na tayo—"

"Sus, kunwari ka pa. Sige na, tara na, Sarah. Baka magMOMOL lang kayo ng jowa mo dito."



Worth LovingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon