15

72 3 0
                                    


It was Friday morning, when I received a call from Tita Karla inviting me to a dinner. But due to my commitments that day, hindi yata ako makakaabot sa dinner, but I promised them na hahabol ako for the karaoke night.

I was packing my things when Vice arrived. Kakatapos lang ng photoshoot namjn for movie posters.

"Ano na? Tara na! Ihahatid na kita kila DJ."

"Sumama ka na kasi."

"Ayoko, ihahatid lang kita kasi sabi mo, hindi ka na magsasama ng driver."

"Ang arte mo naman, siguro okay na kayo ni Ion noh?"

"Syempre, hindi niya matitiis ang kagandahan ko. Kaya dalian mo na diyan."

Walang ginawa si Vice kundi magkwento nang magkwento about her and Ion. Kaya naman pala hindi ito umuwi kagabi sa penthouse ko, nagkabati na.

"He proposed, Sareng!"

I looked at Vice and she's showing me the engagement ring! I hugged her and she's actually crying.

"Hindi ko naisip to nung nagsisimula pa lang kami. Alam mo na, iba naman talaga kapag kagaya namin ang pinaguusapan. Pero alam mo yun, kapag nasa isang relationship ka, na masaya ka, naggo-grow kayo pareho, kahit hindi mo pinaplano, nangyayari na lang nang di mo inaasahan. Alam mo yun, biglang nababago na lang mga desisyon mo sa buhay."

"Masayang masaya ako para sa inyo ni Ion, Vice."

"Alam ko. Kaya ikaw ang una kong sinabihan. At alam ko rin na hindi mo kami tatanggihan na ikaw ang gawin naming witness."

"Wow! Talaga? Sige ba! Payag ako."

"Sinabi mo yan ha, wala nang bawian. O sige na, we're here. Enjoy. Ikamusta mo ko sa biyenan mo!"

"Vice—"

"Biro lang, eh dun naman kayo papunta! Wag nga ako, Sarah Geronimo!"

"Eeee! Ewan ko sa'yo."

I hugged her saka bumaba ng sasakyan niya.

"Oh, kapag di ka mahahatid, call me. Susunduin kita—"

"Thank you. But, hindi na. I'm sure ihahatid ako ni D. Ingat ka ha."

"Okay babush!"


Tinitingnan ko ang palayong sasakyan ni Vice nang narinig ko si Daniel.



"Love—"

I turn around at nakita siyang naghihintay sa may gate.

"Hi. Sorry. Natagalan."

"Okay lang."

He reached for my hand saka hinalikan ang ulo ko.

"Lika na. I'm sure hindi ka pa kumakain."





We went to their dining area saka ako kumain. Andaming pagkain and I suddenly feel bad na hindi ako umabot sa dinner. Daniel is seated sa tapat ko and he's watching me.

"Kumain ka kaya hindi yung pinapanood mo lang ako."

And with his usual ngiti at tawa alam ko na ang sagot.

"Baka konti lang kinain mo kanina."

"Konti na lang talaga akong kumain."

"Oh bakit?"

Worth LovingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon