12

68 4 0
                                    


I got busy shooting with my movie with Vice. Everything's new to me kasi ito yung full comedy movie na gagawin ko. And it's a reunion movie namin ni Direk Cathy.

Magaan ang set at ang mga eksena because of Vice. Minsan nagugulat ako sa pagka-genius niya when it comes sa delivery ng lines. Everyone in the set hindi mapigilang hindi madala sa effortless na pagpapatawa ni Vice.

We are in between takes at naupo ako sa tabi ni Direk. Turn na ni Vice.

We were chitchatting while Direk is making sure na maayos ang scene ni Vice when suddenly she mentioned John Lloyd.

"He's waiting for you, Sars. He thought wala na talagang pag-asa so when he saw Ellen sa isang bar, bigla na lang siyang bumalik sa dati niyang sarili. Of course, as his bestfriend, nalungkot ako at nagalit. You two didn't talk after your fourth movie. And then I found out na your ex talked to him pala to stay away from you because you're already engaged and he knows daw that you and JL still have feelings for each other—"

"Ano po?"

I can't process all the things na sinasabi ni Direk. Nakikita ko rin siyang panay ang tingin sa monitor.

"Can you believe it! And now— hindi naman pala totoong ikakasal na kayo— I felt bad for JL. Pinaramdam ni Matt na other man mo siya. At sa pagaalala niya sa'yo he impregnated Ellen para walang choice si Matt to drop the issue na gusto niyang pasabugin tungkol sa inyong dalawa ni JL— and CUT!! Good take!"

I was in complete awe sa revelation ni Direk. I looked at her na lumapit kay Vice at ineexplain ang next scene.

I am breathing heavily. Nakakuyumos ang kamay ko as I wanted to punch Matteo for what he did to me, to JL and to other people. How could he?

Tumayo ako saka naglakad papunta sa assigned tent ko to look for my fone. I need to call someone.







Gabi na nang dumating ako sa restaurant nila. Their staff greeted me saka giniya sa mini office nila. There, I saw Tita Glenna.

"Sarah— Finally! All day akong nagaalala sa tawag mo kanina."

"Hi Tita— I'm so sorry. I know its late—"

"Don't wory about it. Come! I ordered your favorites."

We went outside sa dining area ng restaurant nila to eat. Nagulat ako kung gaano karaming ipinahanda ni Tita. I wonder anong sasabihin niya when I tell her na hindi na kami ng anak niya.

"Sarah, kumain ka lang. You're skinnier now, compare the last time I saw you. Hindi ka yata inaalagaan ng anak ko."

"Busy lang po talaga sa trabaho."

"Kaya ngayon, eat as much as you want. Or may nakalimutan ba akong ipaluto?"

Tiningnan ko lahat nang nasa harapan naming pagkain at umiling.

"No, Tita. Thank you. Lahat andito na. I wonder kung mauubos nating dalawa to."

"I'll make sure na mauubos natin to. Or you want me to call Pao? He misses you too, Sarah. We all missed you."

Worth LovingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon