Chapter #1

2 0 0
                                    

Hey! I'm Cryztal, pwede niyo rin akong tawaging Tal or Tally, it's my nickname and everyone calls me that. Maraming may nakaka kilala saakin sa school because I am an achiever and a friendly person. Kahit saang parte ng campus ay may mga nakikita akong kakilala o kaya naman ay kaibigan ko.

"Hi, Tal? Musta na?" tanong ng kaibigan ko.

"Ang ganda mo ngayon, Tally ah!"

"How are you, Tal?"

"Ilan score mo, Tally?"

"Ang galing mo naman, Tal!"

Pero kahit ganoon ay loyal pa rin ako sa mga og kong friends.

"Hey, Tally. Ilan score mo sa science?"

"20 over 20 ako, ikaw?" I asked back.

Siya si Yzavelle at siya ang pinakamatalino sa aming magkakaibigan. Pwede rin niyo siyang tawaging Yza.

"Ako rin!" Yzavelle said.

"Luh, ang tataas niyo naman! Sanaol!" Siya naman si Sixto pero ang tawag naming lahat sakaniya ay Sixth, siya ang clown sa grupo namin.

"Aba! Isali niyo naman ako sa topic niyo!" Siya naman si Elyana ang isa pang friendly sa grupo.

"Ginagawa niyo?"

"Tinitignan scores namin." I said.

Siya naman si Freydon ang pinaka bunso at palaging sabog sa grupo.

Pero mayroon pa akong isang circle of friends sa kabilang section at puro naman sila mga pa mysterious ang type dahil napaka introvert nilang dalawa. Sila si Aiyana at Franzielle. Si Franz o si Franzielle ay hindi naman ganoon ka mysterious type dahil isa siyang model at si Aiya naman ay ang medyo tahimik at hindi masyadong nakikipag halubilo sa ibang tao na hindi naman niya kakilala o ano man.

Palipat-lipat ako kung sino ang makakasama kong grupo, actually may schedule nga ako e.

It's Friday right now at ang kasama ko ngayon ay sina Yza. Kumakain kami ngayon ng lunch nag-uusap usap kami kung saan kami gagala mamaya after school.

"Guys, saan niyo gustong gumala?" Tanong ni Sixth.

"Para saan nanaman?" I asked him back.

"Ewan, ang boring, e!" Sagot naman nito.

"Puro ka gala, Sixth! Nag-aaral ka pa ba sa lagay na 'yan?" I asked.

"Oo nga!" Yza said.

"Hayaan niyo na, naghahanap lang yan ng magiging crush niya!" Sabi naman ni Freydon.

"True!" Elyana said.

Ang ending ay sa SM nalang kami gumala, habang kumakain ay pinag-uusapan namin 'yong project namin para sa play.

"So, sino raw ba yung gaganap na Juliet para sa play?" I started the conversation

"Si Yza raw, 'di ba Yza?"

"Yup!" Yza replied.

"Ang ganda ganda naman ni Yza! Bagay na bagay sa'yo iyong role, Oh-my G!" At tumili naman si Elyana.

"Oo nga, ang galing naman nila pumili ng actors." Sixth commented.

"Kailan ba 'yang play na yan?" Frey asked.

" 'Di ka talaga nakikinig, Frey!" I chuckled.

"Oo nga, Frey. Tsk, tsk, tsk." Yza shook her head.

"Lagi naman!" Sixth agreed to Yza.

Pagkatapos noong gala namin ay umuwi na kami nila Yza at Ely, kinailangan kasi naming mag-aral para sa quiz namin next week.

Pagkarating ko sa bahay ay kinuha ko na ang mga gamit ko para ilagay sila sa study table ko para makapag-simula na akong mag review. Lahat ng tinalakay namin kanina ay inaral ko lahat, dahil yun lang naman ang sinabi sa amin kanina ni ma'am na dapat pag-aralan.

Magsisimula na sana akong mag-aral nang nakita ko 'yong notification sa phone ko.

Freydon: nakauwi ka na tal?

Cryztal: Oo, salamat sa pag hatid ninyo sa akin. Appreciate it :>

At pinatay ko na ang phone ko at sinimulan ko na ang pag-rereview ko.

It's already the next week at 'yung isa ko namang friend group ko ang kasama ko. Nasa parang bahay-kubo kami ngayon, kung ano-ano ang pinag-uusapan namin nang mapunta ang topic sa akin.

"Ikaw, Tal? Wala ka ba talagang crush o plano man lang?" Usisa ni Aiya.

"Wala, e. I'm enjoying my single life, dude!"
I exaggerated.

"Sus! Ilang years ka ng walang gusto ah!" Nag-salita si Franz.

"Aish! ayoko pa!" Pinatahimik ko sila.

Hindi pa naman kasi ako handang mag commit, saka na pag handa na ako.

"Okay fine! Chill bro!" Aiya said.

Marami naman akong nagiging gusto pero hanggang doon lang, I never dreamt of having in a relationship with someone. Masiyado akong busy sa school para diyan.

I also don't like dating guys, I think it's just a distraction for me. Feeling ko kasi pag nagka-boyfrriend ako ay hindi na ako makakapag focus sa school, e ayoko ng ganoon. Sobrang busy ko na nga sa school, dadagdag pa 'yong jowa ko? Ka-stress ha!

___________

The Untold Truth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon