Chapter #2

0 0 0
                                    

Kasama ko ngayon ang grupo namin nila Yza at nagpapraktis na kami para sa paparating na stage play next month. Ako ang gumawa ng script at isa rin ako sa mga assistant director ng play. Ako madalas 'yong nagiging direktor kapag may mga activity o project na konektado sa pag didirek ng mga dula o kaya naman ay film.

Pangarap ko kasi maging isang director. Nasisiyahan ako kapag ka ako yung nagiging director ng mga dula namin sa school.

"Ulit! Ang gulo, shocks!" Iritang sabi ko.

"Ano ba naman yan, kanina pa ulit nang ulit! Hindi ba pwede mag break muna?" Iritang tanong ni Sixth

"Paano tayo makakapag break kung lagi kayong nagkakamali?!" Stressed na sabi ko.

"Sundin nalang natin guys." Mahinahon na sinabi ni Yza.

"Wala na nga si Ely, Oh!" I said frustrated.

Si Ely kasi ang main director para sa stage play namin.

I didn't knew that this was hard, nagdidirect ng mag isa lang. It was my first time na ako lang mag-isa dahil kadalasan ay may mga kasama ako mag direct.

"Okay ka lang?" Yza calmly asked. Nandito kami sa pebbles na upuan, nakaupo sa tapat ng building namin.

"Yeah, maybe I just need a rest. Sabihan mo na sila na mag break na muna and mamaya na natin ipagpatuloy yung practice." I said, frustrated.

"Ano ba naman yan! Masyadong perfectionist naman 'tong si Cryztal!" Narinig kong pinagbubulungan ako ng mga kaklase ko.

"Oo nga!"

"Guys, tama na yan. Mag break na muna kayo, ha?" Nagulat ako nang biglang magsalita si Frey

"Frey?" I asked, confused.

"Sige na, Tal. Mag pahinga ka na muna, samahan kita sa room." Freydon calmly said.

At pagkatapos noon ay inalalayan niya ako pabalik ng room.

"Frey, matutulog muna ako. You can leave already para maka kain ka na rin ng snacks." I informed him.

I decided to sleep for a while since 2 hours din naman ang free time namin.

"Sige." He nodded.

Akala ko ay aalis na siya ng room pero nang iangat ko ang ulo ko ay naroon pa rin siya.

"Oh? Ba't ka pa nandito? Kain na Frey."
Aniko. Tahimik ang paligid dahil wala ang iba dahil break time na, kami lang ang naiwan sa silid.

"Oo, mamaya." He said.

"Ah okay." After that, I already went to sleep.

Pagka-gising ko ay 11:30 na pala, kaya nag-ayos ako.

Pagka lingon ko sa tabing upuan ko sa gilid ay naroon pa rin si Freydon.

May mga ibang tao na sa room sa kadahilanan na tapos na ang iba kumain ng tanghalian at ang iba naman ay naglilibang lang.

"Oh? Nandito ka ba the whole time?" I asked.

"Hindi naman." 

"Ahh." I nodded.

"Kumusta tulog mo?" He asked.

"Okay naman." I smiled.

"That's good." He smiled back.

"Kumain ka na?" I asked him.

"Nope."

"Tara, kain?" Pag-aya ko naman.

"Sige." He agreed.

Sa kabilang building kami kumain dahil masarap ang mga pagkain doon. Kaunti pa lang naman ang mga kumakain kaya naman nakahanap agad kami ng mauupuan.

The Untold Truth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon