Chapter #4

1 0 0
                                    


"CRYZTAL!"

Pagka-lingon ko sa aking likod ko ay nakita ko si Yza.

"Yza..." Naiiyak na sabi ko.

"What do you think you're doing?!" She shouted.

"H-hindi ko na kaya, Yza." Hindi ko na napigilan, tumulo na ang mga luha ko.

After I said that, she just ran to me and hugged me

Nang maka-kalma na ako ay tinanong ko siya kung paano niya nalaman.

"Tumawag sa akin si Elaine, mukhang hindi ka raw okay kaya dumiretso ako papunta rito. Mabuti ay malapit lang kami rito." Sabi niya.

"Ah."

"Napano ka ba kasi?!" Alalang tanong niya. Nang tanungin niya iyon ay nag-simula nanamang tumulo ang aking mga luha.

"Annulled na si mama at papa..." I smiled bitterly.

"Oh.. Alam ni Elaine?"

"No..." Napayuko ako.

"Oh, I don't know what to say... Pero I know you'll get through this, love." She smiled and then hugged me.

Lunes na ngayon, tatlong araw na ang nakalipas nang muntikan ko ng gawin ang hindi ko dapat gawin. Mabuti nalang ang isinagip ako ni Yzavelle.

Pag-upo ko ay nakarinig nanaman ako ng mga bulungan.

"Ay! Alam mo ba 'yang si Cryztal ang tali-talino niyan noon kaso nga lang ang daming issue niyan kaya inayawan siya ng mga kaibigan niya!"

Nilingon ko sila at nakita ko silang nagbubulungan, mabuti nalang ay dumating si Freydon.

"Hoy! Anong ginagawa ninyo?!"

"Oh, Freydon?" Tumigin ako sa kinatatayuan niya.

"Anong ginagawa nila sa'yo?!" Galit niyang tanong.

"U-uh wala naman." I lied.

"Stop lying, Tal! Nakita na namin ang lahat!" Sigaw ni Elyana.

"Ely..." Gulat ko.

"Yes, we're all here to protect you." Freydon said.

"Thank you guys." I hugged them.

Wala silang sinabi, ngumiti lang sila.

Nagulat ako nang tumakbo saakin papalapit si Yza.

"Cryztal, okay ka lang ba? Ayos ka lang ba?"

Halata sa mukha nito ang pag-aalala.

"Oo, ayos lang ako. Nariyan naman sila Ely e." I smiled.

"Tally..." Yza called.

"What?"

"Never mind. Just sit again beside me, or better saakin ka muna tumabi, ha?" She said.

"Okay." I agreed.

The whole day ay nandoon ako sa katabi ni Yza.

Ilang araw na ang nakalipas nang mangyari 'yon at ngayon naman ay kasama ko sila Franz at Aiya. Nasa iisang pa-bilog kaming lamesa habang kumakain ng aming lunch.

"Kumusta ka, Tally?" Iyon agad ang bumungad sa akin.

Aiya was asking me if how was I.

"I'm fine." I smiled.

"Sure? Yza told us na may nangyari raw..." Pag-aalala naman ni Franz.

"A-Ah iyon ba? Naku! Wala 'yon! Ely already comforted me." Ngumiti ako para maniwala sila.

"Ely? Who's Ely?" Napa-kunot ang noo ni Aiya.

"Oo nga?"

"H-huh? Hindi pa ba sainyo naikukwento ni Yza? Iyong mga bago naming mga kaibigan?" Pag-tataka ko naman.

"No..." They said.

"Ah, ganito kasi yon, una kasi namin na nakilala ay si Freydon o si Frey sa basketball court at sunod naman na nakilala namin ay si Sixth na tropa rin ni Frey tapos naman si Ely ay naging kaibigan ko dahil pinoprotektahan niya ako sa mga nang-aasar sa akin na mga kaklase ko."

Pag-kuwento ko naman sakanila.

"How come hindi sa amin nakukuwento yan ni Yza? I mean we hear you a lot of times mention their names already pero hindi pa namin sila nakikita in real life?" Aiya asked.

"Ah, busy kasi sila kaya ata hindi niyo sila nakikita around the campus." I said.

"Really, Tally? O baka mamaya nyan nagdadaydream ka na."

May pag-aalala sa tono ni Franz.

"H-ha? Ako? Nag-dadaydream? Hindi kaya! Totoo kaya sila!" Pag-depensa ko naman.

"Hm, sige. We want to meet them tomorrow." Aiya said.

"Alright." I agreed.

Kinabukasan ay nag-paalam muna ako kay Yza na kay Franz at Aiya muna ako sasabay sa lunch dahil nga ipapakilala ko sila sa mga bago naming kaibigan.

We were eating lunch when Franz asked me.

"So saan daw sila?" She asked.

"Nasa may basketball court daw sila, nag-iintay." I smiled.

"Ah okay."

Habang kumakain kami ay chinachat ko na sila Freydon na mag-hintay na sila sa may court at sinabihan na kumakain pa kami.

Pagkatapos kumain ay dumiretso na agad kami sa basketball court, medyo may kalayuan ito ng kaunti mula sa canteen kaya malayo pa ang nilakad namin.

Habang papunta kami ng court ay tinatanong nang tinatanong ako ng dalawa tungkol sa mga bago naming kaibigan.

"Mabait ba sila? Like can we trust them?" Aiya asked.

"Oo naman!" Ngumiti ako para makumbinsi sila.

Tumango nalang sila at nag pa-tuloy sa pag-lalakad.

Pagkadating namin ay nakita ko na agad sila Freydon sa di kalayuan.

"Frey!" I shouted.

"Sino kausap mo?" Franz asked.

"Sila Freydon."

"Nasaan sila?" She asked.

"Ayan oh, papalapit na sila!" I smiled.

"Hi guys! So gusto kasi kayong makilala nina Franz at Aiya." Ngumiti ako kila Freydon.

"U-uhm, Tally? W-who are you talking to?"

Hindi ko alam ngunit takot ang ekspresyon ni Aiya kung kaya't nag-taka ako.

"What do you mean? Ayan oh, sila Freydon." I said.

"Asan sila?" Franz asked.

"Ayan!" I shouted.

The Untold Truth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon