Chapter #6

0 0 0
                                    

Aiya's pov

It did not end there. Her condition became worse and worse until she losed her sanity. Noong una ay hindi naman siya masiyadong nag-dadaydream at hindi namin masyado iyon pinapansin ngunit pa lala nang pa lala ang kanyang ang kanyang kondisyon.

Minsan ay nahuhuli namin siyang nakatulala at nakatingin sa kawalan.

"Tally, Tally?"

"Y-yes? May sinasabi ka ba?" Napa kurap pa ang kanyang mga mata.

"Nakatulala ka nanaman dyan."

"Oh. Sorry, may iniisip lang." She said. Alam ko namang nagsisinungaling siya.

"Sure?" I made sure.

"Yes." Ngumiti siya, ngunit hindi ako naniniwala.

I told Yzavelle first about Tally's condition, parati niya raw din itong napapansin na minsan ay nakatingin at nakatulala sa kawalan. Ang sunod na kinausap ko ay si Franz, palagi niya pala itong napapansin.

We tried to talk to her mom kung okay lang ba si Cryztal sa bahay nila at oo ang sagot nito kaya hindi muna namin pinansin hanggang sa napapansin naming pa lala na nang pa lala ang kondisyon niya.

End of Flashback

Nandito kami ngayon sa bahay ni Cryztal, kasama ko rin si Franz.Wala pa si Cryztal dito, nasa galaan pa siya kasama si Yza.

We knocked at the door and her mom answered.

"Sino po 'yon?" Bungad sa amin ni tita

"Ah, tita. Kami po ito, Si Aiya at Franz po." Pakilala naman namin.

"Oh? Aiya at Franz. Nandito pala kayo? Wala pa si Cryztal, hindi pa siya nakakauwi. Gusto niyo bang tawagin ko siya?" Her mom said.

"Ah, huwag na po tita. Ang totoo po niyan ay sinadya namin ho na wala siya dito." Ani Franz.

"Ay ganoon ba? Eh kung ganoon ay papasukin ko na muna kayo sa loob."

"Salamat po tita." I thanked.

"Ano bang nangyari at nandito kayo?" Cryztal's mom asked.

Tinignan ko muna si Franz bago ko sinagot ang tanong ni tita. Nang tumango saakin si Franz ay nag-simula na ako.

"Uhm, gusto lang po sana namin malaman kung okay lang po ba si Cryztal?" Panimula ko.

"Okay naman siya... bakit?"

"Napapansin po kasi namin na parang may pinagdadaanan po kasi si Cryztal. Minsan din po ay parang may kinakausap siya ngunit wala naman pong tao. Tinanong na rin po namin si Yza 'yong madalas din niya pong kasama at sinabi rin po ni Yza na madalas daw niya po gawin ito." I explained.

"P-paano niyo naman ito nasabi? Eh ayos lang naman siya dito sa bahay, kaya sa tingin ko ay ayos naman ang kalagayan niya." Halos matumba na ang nanay ni Cryztal kung kaya't inalalayan namin ito ni Franz.

"T-tita, mas mabuti nalang po kung kayo mismo ang mag-tatanong kay Cryztal. Maiwan na po namin kayo." Paalam ko naman.

Pagkatapos noon ay umalis na kami sa bahay nila Cryztal at umuwi na.

The Untold Truth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon