KABANATA IKA-APAT

40 0 0
                                        

Noong unang panahon, may dalawang nilalang na nilikha ni bathala, ang una ay tinawag niyang lalake at pangalawa ay babae.
Habang lumilipas ang mga araw at naging isang linggo at ang isang linggo ay nagiging buwan, nagsawa na si bathala sa katatawag niya ng....
"lalaki, kailangan mo nang ganito at babae, kailangan mo nang ganyan," kaya napagtanto niyang kailangan niyang bigyan sila ng pangalan.
Ang lalaki ay tinawag niya na malakas at ang babae naman ay maganda.
Lumipas na naman ang mga araw, linggo at buwan ay nasiyahan na si bathala habang pinagmamasdan ang kanyang dalawang likha at kontento na siya sa ganuong isipin pero sa totoo lang talaga, wala itong koneksyon sa kwento ko, ang nangyari talaga ay ganito...

....

Habang tumatagal ay mas lalong nadagdagan ang mga katanungang gumugulo sa aking isipan.
Tinanong ko si jester kung ano at paano talaga nangyari, kasi feeling ko, hindi aksidente ang pagkakabili niya ng kwentas na may pendant na asul na bato.
At nagsimula na siyang magkwento tungkol dito.

-Jester's Point of View-

Nakasakay kami ng jeep na pinakyaw ng titser namin galing camp site sa may paanan ng mount apo at papunta na kami sa bus terminal ng davao city.
Habang nasa byahe, may kinuha ang katabi ko't kaklase na si michael sa bag niya at may binigay siyang garapon

"Brow, may ibibigay ako sayo, ito nalang ang natira eh. Pasensya na"

Tiningnan ko ang garapon na bigay niya at ang unang sumagi sa isipan ko ay si kuya kero.

"Naku! Okey nga to, magugustuhan 'to ni kuya...." I told him habang nakatitig sa pangalan ng garapon, napangiti ako, "....mahilig yun sa kape"

Habang tumatakbo ang jeep, biglang nanikip ang dibdib ko, dahil siguro punong-puno ang jeep na sinasakyan namin at para na kaming sardinas sa loob kaya iniharap ko ang aking mukha patagilid sa may bintana para makalanghap ako ng hangin at mabawasan ang paninikip ng aking dibdib.

Hindi naman masyadong mabilis ang takbo ng sinasakyan naming jeep kaya kita ko pa ang mga nadadaanan namin sa gilid at may nakita akong matanda na nagtutulak ng kanyang pedikab na may mga kargang parang mga kwentas na madalas kong nakikita sa mga vendor na nasa mga terminal.
'Kawawa naman si lolo, matanda na'y nagtatrabaho parin, nasan kaya ang pamilya niya,' sa isip-isip ko't tinatanaw ko nalang siya habang nilampasan namin ang pedikab na tulak-tulak niya.
Saktong pagkalampas namin sa kanya'y bigla niyang iniaangat ang mukha niya at nagtama ang mga mata namin at ngumiti siya na ginantihan ko rin, parang piniga ang puso ko sa oras na ito, siguro dahil naawa ako kay lolo.

Nakarating na ang sinasakyan namin sa terminal, umikot ang jeep hanggang sa likod at tumigil sa paradahan at bumaba na kami lahat, sabay-sabay kaming naglakad patungo sa paradahan ng bus at naghanap kami ng bus na may signboard na cagayan de oro via buda, isa-isa kaming umakyat nang may makita na kami at kanya-kanya na silang pili ng upuan, sa may gitna ako nakapwesto katabi ng bintana dahil pareha kami ng kuya ko, nagsusuka parin pa'g sa bus nakasakay lalo kung aircon.
Rinig ko ang usapan ng mga classmate ko na hindi ko na binigyan ng pansin at napatingin ako sa may dulo, sa bandang gilid ng terminal, may kalayuan ito sa kinaroroonan namin pero hindi talaga ako pwedeng magkamali, ang pedikab na iyon at ang postura ng matandang nakatayo na parang nakatingin pa sa bus na sinakyan namin kaya bigla akong napatayo.

"Uh jester, whats the problem brow," rinig kong nagsalita ang kaibaigan ko na hindi ko napansin, nasa tabi ko na pala siya.

"Michael, aalis na ba itong bus, may gusto kasi akong bilhin d'yan sa may mga tindahan eh," sabi ko sa kaibigan ko habang nakaturo doon sa mga hilera ng tindahan kalapit nung matanda.

"KUYA, AALIS NA BA TO'NG BUS?" tinanong ng kaibigan ko ang konduktor na papalapit sa amin at abala sa pagbubutas ng ticket ng mga pasahero.

"Mga 10 minutes aalis na tayo" rinig kong sagot ng konduktor kaya dali-dali akong tumayo at bumaba bus.

The truth about the Woman in my DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon