Bumungad sa pagbukas ng aking mga mata ang plywood na walang pintura.
Iginala ko ang aking paningin sa paligid at napagtanto kong narito na pala ako sa aking silid, naa-alala ko pa ang mga nangyari kahapon.
Naku kang kero ka, hindi ka talaga magkakanobya niyan.FLASHBACK MODE 101---
"sorry miss, hindi ko nakitang may tao pala sa aking daraanan" yan lang nasambit ni kero habang pinupulot ang mga libro at sitsirya sa buhangin.
"Okey lang ako, sorry din at hindi ako nakatingin sa daan eh" sagot ng dalaga habang nakayuko at abala sa pagsa-ayos ng mga gamit nito.
"Uh heto ang libro mo saka itong----ano ba ito, oishi?"
Napatingin si kero sa nakayukong mukha ng kaharap hanggang sa dahan-dahan nitong iniangat ang mukha sa kaharap at kausap.
Napatunganga nalang ito sa kanyang nakikita sa kanyang harapan, parang dumaan ang isang libong anghel sa sobrang katahimikan sa pagitan nilang dalawa hanggang sa nagsalita ang dalaga."May problema ba sir? Bakit para kang nakakita ng multo"
"Ah---eh, wala, cge maiwan na kita"
At dali-dali itong naglakad pabalik sa dalampasigan habang sunusundan ito ng tingin ng dalaga na napailing nalang.
"Di man lang niya sinabi ang pangalan niya,"
....
Sa dalampasigan, panay ang mga malalalim na buntong hininga ang pinakawalan ni kero.
Pinaghalong panghihinayang, galit sa sarili at pagkablangko ng kanyang isip ang nararamdaman niya sa oras na iyun, naninikip pa rin ang dibdib niya at nahihirapan siyang huminga dahil sa tensyon na naramdaman niya kamakailan lang."F******ck," yan lang ang tanging naibulong niya sa hangin na siyang naging piping saksi kung paano nanginig ang tuhod niya sa mga oras na iyon.
*****
Bumangon na ako sa aking kama at binuksan ang bintana, madilim pa sa labas, nakalimutan ko na palang patayin ang ilaw kagabi hanggang sa nakatulog ako.
Lumakad ako papunta sa aking bedside table at binuksan ang drawer at inilabas ko ang kwentas at tinitigan ito habang nakabitin sa aking kamay.
Saka ko lang napansin na parang may kung ano sa pendant nito at hinawakan ko ito gamit ang kanang kamay at inilapit sa aking mukha.
Saka ko lang din napansin na wala ang kapares o kabiyak nito at parang sinadya talaga itong ginawa na ganun pero may parang butas ito sa gilid na pwedeng kabitan kung may kabiyak man ito.
Binuksan ko ang parang manipis na salamin na nasa pinakagitna ng pendant at napahanga ako sa ganda ng pagkagawa nito."Nasan kaya ang kabiyak nito" tanging naibulong ko nalang sa kawalan at inilagay ko na ito pabalik sa drawer.
Tumayo ako't naglakad patungong pinto at lumabas ako ng silid, sobrang tahimik ng bahay nang may mapansin ako sa may kusina.
Parang may anino o pigura ng tao akong nakita na dumaan sa may pintuan, inihakbang ko ang mga paa papunta sa kusina.
Pagkarating ko sa may lamesa ay iginala ko ang aking paningin sa paligid pero wala akong nakita o napansin na kakaiba hanggang sa...."BLAAAGGGSSS, KLINGGG"
Napapitlag at napalingon ako sa may ref pagka't may nahulog na gamit sa ibabaw nito.
Lumapit ako dito't pinulot ang lagayan ng mga gamot na nakapatong sa ibabaw ng ref at napapitlag ulit ako nang may nakita akong may maliit na pigura ang tumakbo sa gilid ng pader palabas sa ilalim ng ref.
Kinapa ko ang switch ng ilaw na nasa gilid at binuksan ito."Jusmio, daga lang pala, muntik na akong himatayin sa gulat, loko kang mickey mouse ka" tanging naibulong ko nalang.
Ngunit nang iangat ko ang aking mukha sa may pintuan ng ref, may napansin akong papel na nakaipit dito gamit ang magnet, nilapitan ko ito at binasa.

BINABASA MO ANG
The truth about the Woman in my DREAMS
ParanormalSimula't sapol palang sana, sana alam ko na na ganito pala kahirap ang magmahal na hindi mo alam kung totoo ba o hindi ang binigyan mo ng panahon, oras at atensyon. Sa ngayon, hindi ko na alam kung ano ang totoo sa hindi. Nakilala ko ang babaeng nag...