"Ano na? San na tayo ngayon?" Walang tigil kong tanong sa nagmamaneho, nakalimutan ko na ang pangalan niya.
"Teka lang sir, mukhang naligaw na tayo." Sagot ng pinagpalang driver namin na kamot-ulong lumilingon-lingon sa bawat madadaanan namin.
Sir kana ng sir sa akin ngayon ha samantalang kanina, kero lang tawag mo sa akin, may diin pa.
Panira din talaga sa mood 'tong nasa manebela na kumakamot sa bumbunan niyang animo'y bundok na nadaanan ng sangkaterbang illegal logger sa sobrang kinis, magwewelga talaga ang mga endangered species na nakatira sa ulo niya.
Puro gubat na kasi ang nadadaanan namin na may malubak pa na kalsada.
"Kuya islaw, dito ba talaga ang daan? Parang paakyat na tayo ng bundok eh" napatanong nalang si josephine na kanina ay tahimik lang.
Nakailang kilometro pa ang itinakbo ng sinasakyan naming grandia at umabot kami sa may kabayanan, marami nang malalaking bahay at sementado na rin ang kalsada. May mg tao narin kaming nakikita na habang tumatagal ay padami na ng padami.
Parang nasa sentro na kami ng lugar na yun."Tumigil nalang kaya muna tayo at magtanong kung anong lugar na ba 'to" mungkahi ni jester na sinang-ayunan naming lahat.
Bali apat kami ngayong bumabyahi dahil na rin sa mungkahi ni sir rudulfo.
Ako, si jester, si josephine at si mang islaw o wensislao de maguiba.
"Mabuti pa nga" segunda ko naman.
Tumigil kami sa gilid ng kalsada katabi ng pharmacy.
Lumabas kaming apat at napatingin sa paligid. Sa harap namin ay may panaderya na ang nakasulat sa taas ay "mang inasal bakery."
Bilib din ako sa nakaisip ng pangalan ah, pinag-isipan talagang mabuti. Balak niya sigurong magsideline sa pagbebenta ng inasal.
Saktong may dumaan na babae, may bitbit siyang basket na may lamang mga gulay at magsing-edad lang yata sila ni jester.
"Inday pwedeng magtanong, anong lugar ba ito?" Tanong ko sa babaeng napatigil sa paglalakad.
"Matinag po ito kuya, sakop na ng prosperidad, mga apat na oras mula prosperidad ang papuntang davao"
"DAVAO!!" nagblending naming tugon sa sinabi ng babae.
Siguro nagtatanong kayo kung bakit kami nakarating dito gayong sa surigao del norte dapat kami pupunta.
Ang nangyari kasi ganito.
(Rewind muna ng mga 1,000, 000 cm)
Mag-aala-una na ng madaling araw nang mapansin ko ang oras kaya sa mungkahi na rin ni sir rudulfo, dun nalang kami matulog. Tinawagan ko nalang ang mga magulang namin para magpaalam na pumayag naman.
Dadaan nalang ako bukas sa bahay para magpaalam na isasama ko si jester sa surigao.Kinabukasan maaga akong nagising dahil naninibago ako sa silid na tinulugan naming dalawa ni jester.
Pagkabukas ko ng pinto tumambad sa akin ang mukha ni josephine na humihikab pa at magulo ang buhok pero ano ba yan, kahit bagong gising at magulo pa ang itsura niya, ang ganda niya parin.
Magkatapat lang kasi ang pintuan ng tinulugan naming silid sa kanya.
"Good morning kero" bati niya sa akin na as usual, nakatulala na naman ang parang timang kong mukha.
"Good morning din pen"
Ang kapatid ko? Ayun nakanganga pa, tulog mantika din kasi yan lalo na tulad ngayon na hindi muna siya papasok sa paaralan nila.
Kakilala kasi ni sir rudulfo ang principal pati ang mga teacher sa skwelahan nila. Ipapaalam nalang daw niya na hindi muna makakapasok ng ilang araw ang kapatid ko.
Bahala na daw siya magpaliwanag.

BINABASA MO ANG
The truth about the Woman in my DREAMS
ParanormalSimula't sapol palang sana, sana alam ko na na ganito pala kahirap ang magmahal na hindi mo alam kung totoo ba o hindi ang binigyan mo ng panahon, oras at atensyon. Sa ngayon, hindi ko na alam kung ano ang totoo sa hindi. Nakilala ko ang babaeng nag...