KABANATA IKA-TATLO

39 0 0
                                    

Ewan ko ba kung naranasan n'yo na rin ang mawala sa sarili sa tuwing kaharap ninyo ang babaeng nagpapatibok ng puso n'yo, pero ako, lagi nalang ganito simula pa nung una akong nagkagusto sa teacher at adviser namin sa high school, at sa maniwala kayo't sa hindi, naging close kami ng titser namin, yun pala, magkamukha daw kami ng kapatid niyang naaksidente sa motor at namatay kaya magiliw ang pakikitungo niya sa akin at kaya naging magkalapit kami sa isa't-isa.
Sabagay, pangatlo palang ang titser ko na naging malapit sa akin simula pagkabata.

Kagaya ngayon, para akong tuod na nakatayo lang sa sulok at nakatunganga sa babaeng kaharap namin ngayon.
May mga naririnig akong nagsasalita sa paligid ko pero wala akong maintindihan kahit isa, para lang itong tunog ng mga bubuyog na lumilipad sa aking paligid hanggang sa....

"Kero"

Isang boses na parang musika sa aking tenga ang nagpabalik sa aking kamalayan na ilang minuto din akong iniwan, tinawag na pala ako ng head ng department namin na hindi ko namalayang nakalapit na pala sa akin at halos isang dipa nalang ang layo mula sa akin.

"Ang layo ng iniisip natin, kanina ka pa nakatunganga diyan sa harap ng printing materials natin ah, may problema ka ba?" tanong niya sa aking may himig pag-aalala.

Napatingin ako sa mga mata niyang parang tumatagos sa aking kaluluwa, napatunganga na naman ako.
Naku kang kero ka, baka matanggal ka pa sa trabaho d'yan sa pinag-gagawa mo.

"May dumi ba ako sa mukha," rinig kong sabi ng kaharap ko na may himig-biro na nagpabalik sa aking kamalayan na lagi-lagi nalang akong pinagtaksilan, parang X niyo, laging nang-iiwan.

"W-wala po maam, may naalala lang ako," nauutal kong sagot, parang gusto ko nang maglaho na parang bula sa mga oras na ito, saka ko lang din napansin na ako na lang pala ang naiwan sa loob ng silid.

"Paki hatid na rin nitong mga naiwan nila sa opisina ng QA," sabi ng kausap ko na nakaturo sa mga sample designs na nakalagay sa istante.

"Yes maam," tanging nasambit ko saka kinuha ko na ang mga transparent na plastic kung saan nakadikit ang mga letra at designs na gawa sa goma na gagamitin para sa printing.

Nakailang hakbang na ako nang marinig kong nagsalita nang pahabol ang head namin na hindi ko pa alam ang pangalan na ikinalingon ko.

"Kero, puntahan mo ako mamaya sa opisina bago ka uuwi"

Inabot muna ng mga 1.3 segundo bago ako nakahanap ng mga salitang isasagot ko sa aking kausap, ulyanin na yata ako.

"Y-yes maam" sagot ko at naglakad na ako palabas nang silid.

Magtatanghali na't breaktime na namin, nagsi-alisan narin ang mga kasamahan ko sa trabaho, anim kami lahat sa department namin, apat kaming lalaki at dalawang babae na hanggang ngayon, nalilito pa rin ako sa mga pangalan nila pero kilala ko na sila sa mukha, mabilis kasi akong makalimot ng mga pangalan ng mga taong nakakasalamuha ko pero hindi ko nakakalimutan basta-basta ang mga mukha nila.

Lumabas na ako ng silid at naglakad papuntang canteen.
Papasok na ako sa pintuan nang magtama ang mga mata namin ng babaeng laging nagpapakabog ng aking dibdib at ngumiti siya sa akin na ginantihan ko naman, wa'g naman sanang magmukhang ngiting aso ang paraan ko ng pagngiti.
May kasama siyang may edad na na lalaki na naging dahilan para umiwas ako ng tingin at nakayukong naglakad papuntang istante na may nakalagay na mga pagkain o ulam pagka't ang kasama niya'y walang iba kundi ang general manager ng kompanyang pinagtatrabahuan ko.

Lumipas ang oras nang hindi ko namamalayan at uwian na pala kaya iniayos ko na ang mga nakakalat ko na mga gamit sa malapad na mesa at nauna na akong naglakad papuntang biometrix para maglog-out sana, rinig ko pang tinawag ako ng isa sa mga kasamahan ko sa trabaho pero hindi ko na pinansin.

The truth about the Woman in my DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon