Bakit sinta, bakit mo ako iniwang nag-iisa
Ngayon ang puso'y walang makitang pag-asa
Pagka't sa hangin, lahat ay tinangay na
Bakit sinta? Bakit?Walang maisip gawin sa buhay kong kay pait
Sinubukang magbilang ng one, two, three
Lahat ng gamit ko'y akin nang inimpaki
Uuwi nalang nang bahay at magtanim ng kamote
Break it down yow!!!!!Subalit.......
Kamote?
Ba't umabot sa kamote, tang*na.Tang*na talaga, kahit keylan sablay talaga ako sa lahat ng bagay.
Kahit sa paggawa ng tula ay basura talaga kung maituturing ang aking likha, gusto ko lang namang magmarunong, bahala na kayo kung ano ang iisipin n'yo basta gusto ko lang naman na kahit isang beses sa aking buhay, gusto kong maging makata na sa kamalasan pa'y pinagkait sa akin ng tadhana.
(Bwahahaha, wa'g n'yong subukang tumawa at magkakaalamanan na)Sinubukan kong gumawa ng tula para sa dalawang pusong nagmamahalan na pilit hinahadlangan ng mga bitter na kapitbahay na walang magawa sa buhay.
Kunsabagay, kahit anong gawin natin sa ating buhay na alam nating tama, laging may mapupuna ang madla, hindi natin mapapasaya ang lahat, laging may masasabi ang iba kahit gaano man kabuti ang mga hangarin natin para sa kanila.
Iyan ay isang katutuhanang hindi natin pwedeng maikakaila, alam n'yo ba?Hanggang ngayon, hindi parin mawala sa isip ko ang panaginip o matatawag bang pangitain kong iyon, sino si leo at francisca, lalong gumulo ang takbo ng mga pangyayari, dumagdag pa ang babaeng nakaitim na leticia ang pangalan.
Sa ngayon, di ko na lang iniisip masyado ang nangyayari sa amin pero alam ko sa sarili ko na gusto ko na ng kasagutan sa mga tanong na meron ako sa ngayon.
Naaalala ko pa hanggang ngayon kung paano muntik nang manganib ang mga buhay naming tatlo dahil sa aking kapabayaan, bagay na labis kong pinagsisisihan.Pauwi na kaming tatlo sakay sa kotseng dala ni josephine, ramdam parin namin ang kalabog ng aming mga dibdib at rinig ko pa ang mga malalalim na buntong hininga ni epen, maski si jester ay tahimik lang sa may backseat at malayo ang tingin sa salamin ng bintana kahit puro kadiliman lang ang makikita sa labas, mag-aalas-dose na ng hating gabi, palabas na kami sa may bungad ng lingating nang tumunog ang cellphone ko.
"Kero, nasan na kayo? Maghahating gabi na't hindi pa kayo nauwi" rinig kong salita ni mama sa kabilang linya.
"Pauwi na kami ma, nagkaaberya lang sa daan kaya kami natagalan" sagot ko kay mama, mahirap na't masabon at pagbawalan na kami ni jester na sumama ulit kay josephine pero sa kabilang parte ng isip ko, nakokonsenya ako na magsinungaling kay mama, sobrang bait kasi nun eh.
"Sige at matutulog na kami, nasa mesa lang ang pagkain at initin n'yo na lang,"
"Sige ma, salamat"
"Pasensya na talaga kero ha naabala ko pa kayo, mama mo ang tumawag? Tanong ni epen na nasa manibela.
"Oo, ayus lang talaga pen, ganyan lang talaga si mama sa amin lalo na kay jester"
Ilang minuto din kaming walang imik."Anong klaseng nilalang yung nasa likod ng pintuan na yun, hanggang ngayon ramdam ko pa ang kilabot na hatid ng presensya niya," pabulong na sambit ni josephine na dinig ko naman.
Natahimik ako't naalala ko ang panaginip na iyon, tinitimbang ko kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang lahat ngunit sa huli napagdesisyonan kong sabihin nalang sa kanya.
"Pen, nung nawalan ako ng malay kanina, may panaginip ako, hindi ko alam kung panaginip ba yun o pangitain dahil parang totoo talagang nandun ako nang mangyari iyon" sabi ko sa kanya at nakuha ko ang atensyon niya.
Sinabi ko sa kanya lahat simula nung may bumunggo sa akin na anino ng babaeng may mahaba't kulot na buhok hanggang dun sa parting lumabas ang itim na aninong may mahabang sungay.

BINABASA MO ANG
The truth about the Woman in my DREAMS
ParanormalSimula't sapol palang sana, sana alam ko na na ganito pala kahirap ang magmahal na hindi mo alam kung totoo ba o hindi ang binigyan mo ng panahon, oras at atensyon. Sa ngayon, hindi ko na alam kung ano ang totoo sa hindi. Nakilala ko ang babaeng nag...