KABANATA IKA-WALO

19 1 0
                                    

Minsan darating sa mga sarili natin ang isiping bakit laging ganito, bakit laging ganyan. Kaninang umaga ang ganda pa ng sikat ng araw, ngayong tanghali biglang uulan na. Wala talagang may alam sa takbo at daloy ng hinaharap at hindi talaga natin kayang diktahan kung ano ang mangyayari sa dulo ng kwentong tayo mismo ang gaganap.

Ika nga, ang buhay ng tao ay parang libro na blangko at wala pang laman, isusulat pa lamang sa mga blangkong pahina nito ang mga mangyayari at takbo ng ating kwento.
Ang buhay ng tao ay napakamisteryoso.
Ito ay sobrang komplekado.
Wag mo nang subakang hanapin at sagutin ang mga katanungan nito dahil kung iyong susubukan, mag-iiba lang ito ng tanong.
Ngunit tayo ang gagawa ng ating sariling kwento, hawak natin sa ating mga kamay ang panulat ng ating libro.
Minsan, may mga bagay na hindi talaga natin pwedeng ipilit dahil ito ay salungat na sa pag-agos nito pero sa totoo lang, may magagawa pa talaga tayo kung atin lang susubukan, ika-nga kung gusto palaging merong paraan.
Sa bawat tuntunin ay laging may eksepyon at kasama na dun kung ano ang gusto nating isulat sa ating sariling libro.

******

Francisca, pangalang parang bomba na sumabog sa aking tinga nung una ko itong narinig at galing pa sa taong mas nakakakilala sa akin, ang babaeng nagluwal sa akin sa mundong ito, kay mama.
Gusto ko ng kasagutan, gusto kong tanungin si mama kung paanong kilala niya si francisca, ang mas nakakagulat pa'y tinawag niya itong lola.

Josephine, sino kaba talaga.

Nakatingin lang ako sa kanila habang yakap siya ni mama, hindi ko mahulaan kung ano ang nararamdaman niya habang yakap si mama.

"Pasensya kana iha ha, nadala lang ako sa aking emosyon kanina, dala lang siguro sa aking pangungulila kay lola francisca, magkamukhang-magkamukha kasi kayo eh" rinig kong sabi ni mama nang kumalas na siya sa pagkakayap kay josephine. Kita ko rin sa mukha ni epen na medyo nahihiya siya kay mama base sa reaksyon niya.

"Ayos lang po tita, sino si francisca? Magkamukha po ba talaga kami" Tanong ni josephine kay mama.
Yan din ang katanungang gusto kong itanong kay mama.

"Lola ko siya, ina ng tatay ko, imposible namang ikaw si lola, matagal na siyang wala sa mundo" sagot ni mama na medyo tinamaan na ng hiya, ngayon lang siguro nag-sink-in sa kanya ang ginawa niyang pagyakap kanina.

Buti pa si mama nakapuntos na, ako kaya noh, pero marami akong gustong itanong kay josephine na sa tingin koy ipagpaliban ko muna sa ngayon.

"Aalis ka na ba..." sabi ni mama na napatigil nang magsalita si epen.

"Josephine po ang pangalan ko tita"

"Ah, josephine----aalis kana,"

"Oo mama, kanina pa siya nandito paalis na siya nang dumating kayo" ako na ang sumagot para kay epen, maggagabi na rin at baka may gagawin pa siya sa bahay nila.

"Sige po tita, alis na po ako," magalang na paalam ni josephine kay mama.

"Sige ma, hatid ko muna si josephine sa labas" paalam ko din kay mama.

Nasa harap na kami ng kotse niya nang magsalita siya habang nakasandal sa may saradong pinto nito.

"Kamukha ko ba talaga si francisca kero"

"Hindi ko alam pen, hindi ko pa nakita ang lola ni mama sa picture, ngayon ko palang din nalaman at narinig sa kanya ang tungkol sa lola niya"

"Sa panaginip mo, nakita mo ba ang mukha ni francisca?"

"Hindi eh, nakatakip ang buhok niya nung tumatakbo sila at nakaharang din ang kamay ni leo nung nasa ibabaw ako sa kanila, pero---"

"Pero ano?"

The truth about the Woman in my DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon