KABANATA IKA-ISA

56 0 0
                                    

Kailan ba nagsimula ang lahat, hindi ko na maalala ang eksaktong araw kung kailan nagsimula ang mga panaginip ko tungkol sa misteryosong babae na laging gumugulo sa aking mahimbing na pagtulog.

Tatlo o apat na taon na ba ang nakalipas?
Hindi ko na matandaan, ang malinaw lang sa akin ay nung maghiwalay kami nang kasintahan kong walong taon din ang inabot ng aming pagsasamang akala kong hahantong na sa simbahan pero sadyang malas yata ako sa usaping kaakibat ang puso.
Malinaw pa saking ala-ala kung paano niya ako pinutulan ng pakpak at kunan ng kakayahang makalipad tungo sa aking minimithing pangarap, kung paano niya sinira ang aking paniniwala tungkol sa tinatawag nilang kasiyahan at aspeto ng buhay.
Umabot na ako sa puntong gusto ko nang tapusin ang lahat, nawala nang saysay ang aking buhay at inagaw niya sa akin ang aking pagmamahal sa larangan ng pagpipinta at musika, nawala lahat ang mga ito at ayoko nang humawak ng paint brush at gitara.

Ang bilis ng panahon, isa o dalawang taon na ba ang nakalipas mula nang mawala si louwen, tama, naa-alala ko pa ang pangalan niya, medyo limot ko na ang sakit at peklat na iniwan niya sa aking pagkatao.
Nasa cagayan de oro ako nun at habang naglalakad ako patungong sakayan, dun sa may gaisano cagayan de oro, pagdaan ko sa may simbahan, tumigil ako saglit sa may gilid at parang may sariling utak ang aking mga paa't dinala niya ako sa may nagtitinda ng mga pekeng alahas at kung ano-ano pa na makikita mo sa mga bangketa.
Hindi ko namalayan kung ano ang aking hawak, bumalik lang ako sa reyaledad nung marinig ko ang matandang tindero na nagsalita nang..

"Gusto mo yan iho? ibibigay ko lang sayo nang 200"

Napatingin ako sa kung ano ang aking hawak at saka ko lang napasin kung ano ito.
Isang kwentas na may hugis pusong pendant na pwedeng buksan at lagyan nga larawan ang magkabilang biyak nito, kulay makinang na silver ito't may magandang disenyo.
Sa hindi ko rin maipaliwanag na dahilan, binili ko ito at tumalikod ako agad matapos kong mabayaran ang kwentas.

Saktong nakailang hakbang na ako nang may maalala ako ngunit paglingon ko, wala na ang matandang lalaki.
Lumapit ako sa babaeng nagtitinda dun sa pwesto kung saan ko nabili ang kwentas at tinanong ito.

"Ate, nasan na yung matandang lalaki dito kanina" tanong ko sa babaeng tindera.

"Wala namang lalaki na nagtitinda dito iho, kit mo naman at puro kami mga babae ang narito" sagot naman nito na nagpagulo sa isipan ko.

Napatingin nalang ako sa kwentas na aking hawak at ipinilig nalang ang ulo habang ang aking paglalakad patungo sa kabilang kanto kung saan naroon ang sakayan ng jeep papuntang puerto.
Hindi kasi pwedeng magmotor at wala akong lisensya, may mga LTO pa naman at RTA na namghuhuli sa tabi-tabi nang hindi mo namamalayan, mahirap na.

Simula noon o mas tamang sabihin na kinagabihan, nagsimula na ang mga panaginip ko tungkol sa isang misteryosang babae na hindi ko alam ang pangalan, halos gabi-gabi ito.
Hindi naman nakakatakot ang mga panaginip ko, sa katunayan, hindi mawaglit sa isip ko ang kanyang magandang mukha, ang kanyang ngiti na parang bituwin sa bukang liwayway.
Unti-unting bumabalik ang hilig ko sa pagpipinta at musika, siguro dahil sa aking panaginip, lagi siyang may pinipintang mga larawan hanggang noong nakaraang tatlong buwan ang nakalipas, naisipan kong ipinta ang isang painting na nasa harapan ng kanyang higaan at nakasabit.

Isang larawan ng nalalanta na rosas at iilan nalang ang talolot na naiwan, pati ang mga dahon ay iilan nalang din at ang mga tuyong dahon na nalalaglag ay humalo na sa mga tuyong talolot ng rosas kung saan ito nakapatong.

Natapos ko itong ipinta sa loob ng isang linggo.
Ini-upload ko ito sa facebook, wala naman masyado makakita nun, iilan lang ang mga kaibigan ko sa social media, mga malapit lang na kaibigan.
Ngunit isang bagay ang labis na nagpagulat sa akin.
May isang mensahe akong natanggap sa messenger at nagsasabing interisado siya sa painting na iyon at gusto niya itong bilhin sa halagang 12k.
Nakakatawang isipin na may bibili nun sa ganong halaga.
Akala ko nung una scam lang kaya sinakyan ko nalang.
Sinabi kong okey at ipadala nalang niya ang perang pambayad sa aking GCASH, ang mas nakakagulat pa nito'y wala pang isang oras ay tumunog ang cellphone ko, nang tingnan ko ito'y mas lalo akong namangha sa aking nakikita, may nagsend sa aking GCASH na nagkakahalaga ng labing dalawang libong piso.

The truth about the Woman in my DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon