03

1.4K 41 1
                                    

Kinabukasan sa pagpasok ko ay pinag uusapan na ako ng mga estudyante dito at ang iba naman ay nakatulala kase nga nakapam-babae na akong damit ngayon. Pink dress at nakaheels pa na kulay black, nakahalf ponytail at naka make up pa.

Suot ko din ang jacket na ibinigay sa akin ng lalaki kagabi, PS: nilabhan na ito ng yaya ko kagabi, hindi naman ako nagsusuot ng malansang damit.



Habang naglalakad ako ay may sumalubong sa akin at inalok nito ang kamay nya, si arkyn iyon kaya tinanggap ko,


"AWW! SANA ALL"sabi ng ibang mga estudyante,



Yuck naman, sa harap ng maraming tao nagse-sweetan kami?


"Ang ganda mo"pang aasar nya at tinaasan ko sya ng kilay, hiding my kilig.


"Bakit kase kailangan ko bang mag ganito?"tanong ko at tumigil kami sa isang gitna nang makita ko si chad na tumatakbo papunta sana dito nang tumigil sya, tumitig sya sa amin at nag walk out bigla.


Hinubad ni arkyn ang jacket na suot ko at inayos nya ulit ang hitsura ko.



"Ang cute mo naman"sabi nya at pinitik ko sya sa may noo para magising sya sa katotohanan.





"Peke lang itong ginagawa natin kaya tumigil ka nga dyan"sabi ko at natawa sya.



Hinawakan nya ulit ang kamay ko papasok sa university, nang mapansin naming wala na si samantha ay bumitaw na kami at hindi na nagpansinan.



"Hoy yung jacket ko!"singhal ko at lumingon ulit sya sa akin sabay hagis ng jacket,





"Ayan na"sabi nya at inirapan ko sya, "basta later, i will take you home, huwag kang sasama sa kahit na sino okay?"tanong nya at tumango ako




Pumasok na ako sa loob ng classroom ko at pinagtinginan naman ako ng mga kaklase ko na unti nalang ay lamunin ako ng mga tingin,





May problema ba at ganito sila makatingin?



Umupo na ako at may lumapit sa akin na grupo ng mga babae





"Are you arkyn's girlfriend?"tanong ng isang babaeng mahaba ang buhok na nakaponytail na ang kapal kapal ng blush on, akala mo naman ikinaganda nya ang pagiging mean nya,




Wait, bago lang 'to sa classroom namin ah, ni-hindi ko nga alam kung kaklase ko 'to o asungot lang na trespassing sa room ko.





Hindi ko alam kung itatanggi ko o paninindigan ko na girlfriend ako ni arkyn.





Tumayo ako at napaatras sila,




"Oo naman, nakita mo ng ka-holding hands ako ni arkyn, nagtatanong ka pa"




"I can't believe na isang bully ang girlfriend ni arkyn? And girl? Sa lahat talaga ng lalaki si arkyn pa?"





"Bakit? Kahit naman hindi kami ni arkyn, hindi ka din naman papatulan no'n?"pang iinis ko at sa sobrang galit nya ay hinigit nya ang buhok ko.



Walang naawat sa amin kundi mga nagche-cheer lang ang mga kaklase namin.




Ended up ay gulo gulo ang buhok ko at may pasa pa ako sa mga braso dahil sa kaibigan nung mean girl na pinagsu- suntok ako.




Nandito ako ngayon sa may clinic ng school kasama si arkyn na ngayo'y nakahawak sa noo nya, wow, sya pa talaga ang naistress sa nangyari sa akin.



Expect The UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon