"Ayy!"nabitawan ko ang mga dala ko at napalingon sa tatlo, kinakabahan ako na baka mamaya ay narinig nila, baka akalain pa ni arkyn na kaya ako nasakay sa kalokohan nya is nagpapalakas lang ako sa kapatid nya.
"Narinig nyo?"tanong ko na kabado at pinulot nila ang mga paper bags na nahulog ko at sabay sabay nila itong iniabot sa akin,
"Okay ka lang?"tanong ni travis at nahimatay ako,
Hindi ko na keri dahil ikakamatay ko na kaharap sila kung narinig nila ang sinabi ko,
Napamulat ang mata ko at napaupo nang makita ko silang tatlo sa harap ko, hinahanap ng mata ko si chad pero wala sya, nasaan na ba yung lalaking iyon, papatayin ko sya pag nakita ko ulit sya iniwan nya ako sa tatlong ito. Ayos lang naman na iwan nya ako kay travis at arkyn kase walang malisya pero kung kasama si sir shan, nakakahiya. Baka mamaya nakita nya akong nakahandusay ng nakanganga, ayokong mawala ang poise ko sa harap nya.
"Nasaan si chad?"tanong ko at hinawakan ako ni travis sa may balikat,
"Kalma ka lang, binabayaran lang nya yung fee ng hospital"sabi ni travis at nakahinga hinga ako,
"Bakit ka ba nahimatay?"tanong ni arkyn, "niloloko ka lang namin na inlove ka kay bunso tapos nahimatay ka naman dyan, bakit totoo ba?"
"Huh? Hindi noh, walang mabubuong feelings dahil kaibigan ko kayong tatlo, atsaka may narinig ba kayo na sinabi ko?"
"Wala, ano bang sinabi mo na ayaw mong marinig namin? Ginugulat ka lang namin, nakakatakot ka naman gulatin"sabi ni travis, "Takbo kaagad kami sa hospital sa nangyari sayo"
"Wala"sagot ko at nakahinga hinga,
"Si kuya arkyn ang pa-umpisa sabi ko ay huwag ka ng gulatin, ayan tuloy, nahimatay ka, okay ka na?"tanong ni shan at hinipo pa ang noo ko, grabe namang concern sya, may gusto na rin ba sya sa akin o sadyang ganyan talaga sya?
"Okay na ako, thank you sa concern nyong tatlo"sabi ko pagtapos kong ialis ang kamay ni sir shan sa noo ko.
Finally, bumukas ang pinto so it means si chad iyon, uncomfy na ako dito dahil ang tatlong salazar na ito ay nakatitig pa sa akin, napakaconcern.
"Uy chad, iuwi mo na ako, ayos na ako kailangan ko lang ng tulog"sabi ko kay chad at napakamot sya sa ulo nya,
"Pahinga ka daw muna sabi ng doctor, they will check you later"sabi nito, ang dami naman nitong eme ni chad, ayoko na nga dito makaintindi naman sya, ewan ko kung hindi sya makaramdam o sinasadya nya lang.
"Ayos nga lang ako, nahimatay lang ako kase antok ako kaya please iuwi mo na ako"sabi ko na sinesenyasan ko sya,
"Shan yung bebe mo ang kulit"sabi ni chad at nanlaki ang mata ko sa sinabi nya at natigilan din ang tatlo,
"Bebe? Anong bebe?"tanong ni sir shan at nilakihan ko ng mata si chad para baguhin ang sinabi nya, "Bebe? As in duck?"
"Uh beibigan, kaibigan"sabi nya at napabuntong hininga ako at sikreto syang kinurot sa tagiliran, ang sarap nyang patayin nung mga oras na yun,
"Beibigan? May ganun bang words?"tanong ni travis,
"Oo naman, kase kayo mga anak mayaman kayo kaya hindi nyo alam ang mga balbal na salita"sabi ni chad at tumayo na ako ng sarili ko,
"Ayos na ako chad, iuwi mo na ako"sabi ko at tumakbo na palabas ng room.
Nasa kotse na kami ngayon at galit na galit ako kay chad,
"Alam mo sa sinabi mo kanina? Nasa gitna ka na ng kamatayan, makikita mo na si san pedro kung hindi mo binago iyong sinabi mo"sabi ko at natawa sya,
"Nagkamali lang"
BINABASA MO ANG
Expect The Unexpected
RomantikSalazar Series #1 (Book 1) In the prestigious university led by Justine Arkyn Salazar, an unexpected experiment was ordered. Justine, the university owner, commanded Nathalia Grace Gonzales to pretend to be his girlfriend. Nathalia, known for her ma...