Chapter 10

676 50 4
                                    

Well nag papasalamat narin ako dahil tinangay nya ako dahil lang nakikipag usap ako sa mga “animals” na sinasabi nya, dahil na sstress ako pag nakakausap ko sila! Ang gugulo ng mga utak nila. Dapat nga hindi sila nag dididikit sa akin dahil ayaw nga nila sa akin tapos kung makalapit kala mo namang close na close kami.




“Let's all welcome, the handsome Mr. Thomas Kavinksy and his beautiful wife Mrs. Evelyn Kavinsky”, naputol ang pag d-day dream ko nang mag salita na ang host. Bumungad sa amin ang lolo at lola ni Xavier. Kung titingnan sila ay para silang nasa 40’s lang dahil sa ityura nilang hindi umiidad. Sanaol. Napaka ganda at gwapo parin nila at talaga namang napaka tatag din ng relasyon. Nakangiti silang parehas at halata mong mahal na mahal nila ang isa't isa. Awe.




“I would like to thank you for joining our party, it's our anniversary to day. Happy Anniversary to my beautiful wife, I love you”, sabi ni Mr. Thomas, napa takip nalang ako ng bibig dahil sa kilig. Anniversary pala. Shala ng anniversary nila may pa party.




“Awe, happy anniversary too darling”, sagot ni Mrs. Evelyn at nag kiss na sila. Omg my eyes! Charot! Pumalakpak naman ang mga tao at makikita sa kanila na natutuwa sila sa old couple na ito, supper sweet naman talaga kahit matatanda na. 




Lumakad naman papunta ng gitna ang mag asawa at nag simula na tumugtog ang mga musician sa gilid. Nakakatuwang pag masdan ang dalawa habang sumasayaw. Sanaol! Bakit naman ako pinapunta sa libro na ito? Baka naman hindi ako mamamatay sa bala, baka naman sa inggit talaga!




Delancy“, lumingon ako sa tumawag sa akin, si Alistair.




“Let's dan-“, hindi nito natuloy ang sasabihin nya dahil bigla nalang sumulpot si Ambrose.




“Let's dance, Delancy”, aya nito sa akin at inabutan pa ako ng kamay. Mag sasalita na dapat ako pero may baril na tumutok sa kamay ni Alistair. Lintik lang ang walang ganti?! Bakit may baril! Tiningnan ko naman ang may ari ng baril at nakita kong si Xavier iyon.




“What are you boy's doing?”, seryoso at napaka lamig na tanong ni daddy kila Xavier. Nakaupo ito ngayon at naka dikwatro, may hawak din na wine sa kanyang kanang kamay habang naka harap sa amin.




“I’ll dance your daughter”, napatingin naman ako kay Xavier, mejo makapal din ang muka nito. Wala manlang pa tanong as in sinabi nya lang yun. Nag titigan muna sila ni Dad at sa huli ay tumango na din ito. Feel ko kung ako ang makikipag titigan kay Xavier ang aabutin ko lang ay 1 second. Nakakatunaw kaya yung maya nya!! Ang itim nito na liligaw ako.




Inabot sa akin ni Xavier ang kamay nya. Tiningnan ko muna ito, naka suot na ito ng gloves na kulay itim na leather dahil ayaw nya sa germs kanina wala ito pero ngayon ay meron na, ang bilis naman nitong mag kabit ng gloves. Pero grabe ang kaartehan nito to the highest level! Inabot ko naman ang kamay nya at hinila na ako nito sa gitna. Tiningnan ko muna ang nasa paligid namin at kita ko na ang lahat ng tao ay nakatutok at pinag mamasdan ang bawat galaw namin.




“I'm pissed”, ay hala! Napa sobra ang pag iisip ko. Tiningnan ko naman sya at nakita kong nag didilim na ang paningin nya.




“Why?”, takang tanong ko.




Hindi na ito sumagot at hinawakan na kagad ang waist ko at nilapit ako papunta sa kanya. Napahawak naman ako sa balikat nito at gulat na gulat. A-ang lapit ko sa leeg nya! Oo leeg sis ang tangkad nya kase, partida naka heels pa ako. Kaya ang ginawa ko ay tumingala nalang ako, at gulat pa ako nung naka tingin ito sa akin ngayon.




Villainess is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon