Chapter 5

801 46 4
                                    

Nakaupo ako ngayon sa isa sa mga table dito sa cafeteria habang si Teo ay pumipila ngayon para bumili ng kakainin namin. It's so sad na akala ko panaman ay mag kakaroon ako ng kaibigan pero ni isa walang lumalapit sa akin kanina!!

Pag aakmang lalapit sila sa akin ay bigla nalang silang ma eestatwa at kikilos na parang may ginagawa na ulit. Hindi ko ba alam dito kay Teo kung tinatakot nya ba oh ano, kasama ba ito sa pag protekta sa akin? Grabe naman balak pa ata nitong gawing loner ako sa school.

Nagulat ako sa may biglang nag lapag ng pagkain sa harapan ko, sisitahin ko na sana si Teo ngunit napatigil ako nang makita kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

“Hello Mr. President, what brings you here?”, kakasabi ko lang na gusto ko ng kaibigan pero mukang binabawi kona ulit iyon. Yes po. People change and so their minds.

“Am I not allowed to eat here? Wala nang iba pang kakainan, puno na”, of course hindi ka pwede dito! Tumingin naman ako ng pasimple sa paligid kung puno na ngaba. Lah.. Jusko ang rami rami pang bangko sa ibang lamesa bakit dito pa nya naisipang umupo?

 

 

Mag sasalita pa sana ako nung biglang binaba na ni Teo yung pagkain ko sa lamesa.

“Eat, my lady”, Nakangiti nitong sinabi sa akin. Nginitian ko nalang din sya at tumango. Elegante akong kumain kahit pang fiesta karami yung mga binili sa aking pag kain ni Teo. Eleganteng patay gutom.

Habang kumakain ako ay bigla nalang may panyong lumipad sa muka ko.

“You have something on your cheeks wipe it”, sabi ni Alistair habang kumakain parin hanggang ngayon. Wala manlang ka sweet sweet sa katawan at hindi manlang sya ang nagpunas nito.

“Thank you Mr. President”, nakangiti ko nalang na sagot dito. Pasimple ko munang inamoy yung panyo nyang color black. Ang bango din, kaamoy nya!! Kinuha ko muna ang cellphone ni Delancy at ginawa itong salamin para makita ko kung na saan ang sinasabi nitong dirt sa pisngi ko. Kaloka kala mo namang napaka laki, sa liit nun ay napansin nya pa?

“Here”, pag sasauli ko sa panyo nya. Tumingin ito sa akin at tinanggap din ang panyo nya at patuloy na kumain.

Pag tapos kong kumain ay inabutan naman ako ng tissue ni Teo, at pinunasan ko muna ang aking bibig. Sunod naman nyang inabot ang alcohol. Tumingin naman ako sakanya habang may pag tataka sa muka. Naka suit lang naman sya, saan naman nya nilagay dyan ang tissue at alcohol?

Tumingin naman ito sa akin at ngumiti, enebe stop Teo! Baka ma fall ako!

*Ehem*

Villainess is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon