Nandito ako ngayon sa hapag kainan habang nakatulala inaabsorb pa kung pano nang yari sa akin ito. Hindi kaya may sumpa yung librong iyon?
“Anak, are you ok? Kanina kapa tulala dyan?”, tiningnan ko naman ang nag salita sa kaliwa ko. Aba ang gwapo, matcho at higit sa lahat daddy sya ni Delancy Black ang babaeng mamamatay din sa huli sa librong isinulat ng Bff kong si Isabella.
“I'm ok po hehe”, sagot ko nalang natakot ako baka biglang bumunot ng baril at barilin pa ako nito sa ulo. Kakapunta ko palang sa libro, namatay na kagad ako jusmiyo mahahabagin.
Sya lang naman si Valenciano Black, ang tatay ni Delancy Black na ako na ngayon, in fairness naman hindi na ako lugi. Sa ganda banaman ng bruha na ito aba wala na akong ganang mag inarte pa. Anyway, so sya na nga ang daddy ko ngayon. Base sa libro, mahal na mahal nya ang anak nyang si Delancy kaya naman nung namatay ito, eh, nag pakamatay din sya. Ang anak nalang kasi nya ang natitirang meron sya dahil namatay na ang asawa nya, ngunit, syempre nung nabubuhay pa ang anak nya at sya eh humanap sya ng babae na pwedeng maging katuwang sa pag aalaga sa anak nya at yon ay si..
“Kaya ka ba nag kakaganyan dahil kay Mr. Kavinsky? Hindi ka nanaman ba nito pinansin oh baka nahuli ka nanaman nitong sinusundan sundan sya?”, saad ni Cassandra ang step mother ni Delancy.
“Walang kinalaman dito si Mr. Kavinsky, pagod lang talaga ako”, pinal na sinabi ko jusko ayaw ko syang maka chikahan. Alam ko kasi deep inside ayaw sa akin ng babaeng yan lalong lalo na yung anak nyan, in short ayaw nila kay Delancy.
“Wala kang galang, tinatanong ka ng maayos ni mommy!!”, at speaking of the devil ayun at nag salita na, sya nga pala si Amanda. Mas matanda kay Delancy ng 2 taon pero kung umasta kala mong bata.
“Anong walang galang sa sinabi kong walang kinalaman sa pagiging tulala ko si Mr. Kavinsky? Bobo kaba? Ay mali bobo ka nga talaga. Ano banaman yan umagang umaga yung muka mo nakakairita na, nakakasuka parang ugali mo lang.... Anyway, let's eat na nakakagutom hehe”, kita ko naman ang gulat sa kanilang mata, alam kasi nilang kina kayan kayanan lang nila itong si Delancy. Pag kaharap si daddy kala mong maamong tupa pero pag nakatalikod na ito grabe yung sungay kasing taas ng Mount Everest.
Kumuha na ako ng pag-kain at eleganteng kumain. Nakaka gutom kaya tyaka mukang masarap yung luto. Sayang libre na ito, sulitin nalang.
Makalipas ang ilang minuto kong pag kain, natapos na din ako sa wakas, dahil nga sukang suka narin ako sa mga muka ng Step Mom at Step Sis ko ay nag paalam na akong mag gagala muna sa mansyon.
“Dad, una na po ako mag lilibot libot lang ako saglit para bumaba yung mga kinain ko”, saad ko sabay kiss sa cheeks ng daddy ko, pero syempre pinunasan ko muna yung labi ko bago gawin yun mamaya may oil pa eh kakahiya naman baka literal na mamatay na talaga ako. Anyway, tamang chansing nalang den, charot!
“Sure my angel, mag pasama ka nalang sa mga maids”, saad nito habang naka ngiti sa akin. Agad naman akong nasamid sa sinabi nito, angel ba yung sabihan ng bobo yung step sister ko? Bahala kana dyan pero buti nalang talaga hindi nya napansin iyon or baka hindi nya lang talaga pinansin dahil ako ang paborito nya.
Dahil pinayagan naman ako eh, umalis nadin ako. Apaka laki at napaka ganda naman talaga ng bahay na ito, mukang 2 araw kong pag aaralan bawal sulok ng bahay na ito, wait hindi sya bahay. Mansion sya Mansion!
Wow ang raming gold! Pag talaga ako nakabalik sa earth mag uuwi ako ng mga ginto dito, Ay wow!! May mga diamonds din ang astig!! Ang yaman talaga ng mga Black. Well sila lang naman ang pang 6 sa pinaka mayaman at pinaka malakas na grupo ng Mafia dito sa Arcane, kaya hindi na nakakapag taka.
Pumunta naman ako sa garden, woww ang gandaa tas may pond pa sila kaso yung pond ang nasa ibaba puro diamonds luh sanaol. Habang ako ay tumitingin tingin sa paligid bigla nalang may nag salita sa likuran ko.
“Hi Delancy!”, pag lingon ko ay nakakita ako ng sobrang gwapo na lalaki at shems ang tangkad nya. Tapos naka ngiti ito sa akin at yung ngipin nya jusko ang puti ang ganda pa. Wow nabas basan nanaman ang mata ko.
“Hey, Delancy? Are you ok? I know that I am handsome but please don’t stare too much. Baka agawin pa kita sa pinsan ko”, luh kapal ah. Grabe yung hangin sa may bandang south ang lakas.
“Who are you?”, takang tanong ko, kase naman po, yung binasa kong libro wala namang naka lagay kung gano sila ka gwapo kaya naman nakaka gulat nalang talaga.
“W-what? I'm Ambrose, pinsan ni Xavier. Ano ba nang yayare sa iyo at last 3 days kapang ganyang laging tulala? I'm worried”, gagu anong worried ka? and Ambrose pala ah. Ambrose na walang ginawa kung hindi ay asarin si Delancy at bullyhin pag hindi ito pinapansin ng pinsan nya. Kapal ng muka isa nga sya sa mga gustong patayin ako eh! I shouldn’t trust his words kahit na nakakakilig.
“Uhm, I have a fever young master. That's why tulala ako. I'm sorry for making you worry, anyway why are you here?”, takang tanong ko. Bigla nalang itong tumawa na para bang nahihibang. Sige tawa pa sana huling tawa mo na iyan. Pag katapos nitong tumawa ay tumingin naman ito sa akin at ngumiti, pero kahit naka ngiti sya ay nakaka takot paren at nakakakilig at the same time kase ang hot nya. Sige kiri pa Delancy ng mamatay ka ng maaga.
“I want you to stay away from my cousin, Delancy. Tinutukan na ako ng baril sabihin ko lang sayo na layuan mo na sya. Please stay away, pero hindi naman ibig sabihin nun ay hindi na tayo pwedeng mag lapit”, is he flirting with me? Ew ah. Ehem. Pwede naman rawr.
“Sure, I will stay away with him. If that's what he want's then i'm ok with it”, tugon ko.
Nagulat naman sya sa sagot ko na para bang hindi nya iyon inaasahan. Well alam kasi ng lahat ng tao sa anumang sulok ng bansa na ito eh talaga namang patay na patay si Delancy kay Xavier.
“Are you sure? Is this for real?? Thank you, I hope this is not one of your plans and pranks again. Because if it is I will kill you..joke hahaha”, kinabahan naman ako sa banta nya kahit na may joke ito, para naman kasing totoo shuta huhu.
“This one for sure is true, and good bye young master. I need to do something pa kasi, hope to see you soon”, or never.
Aalis na dapat ako pero hinablot ako nito sa kamay at isinandal sa puno, hinaplos naman nito ang pisngi ko habang ang kanyang isang kamay ay nasa bewang ko. Nag tataka naman akong tumingin sa kanya..
“Good bye”, pag ka tapos nun ay umalis na sya. Luh..gagawa mo?
Habang naka talikod sya ay pinakyuhan ko sya pero bigla itong tumingin sa akin kaya dali dali kong ginawang heart shape na parang pang korea yung mga daliri ko at ngumiti ng pag kay tamis tamis saknya. Nginitian naman ako nito at nag lakad na paalis.
Hope I see you never Ambrose Kavinsky, because I know that one day you will kill me again.
-pansy's note-
Hope you all like it :3 and sanaol kay Delancy, Ambrose isandal mo din ako sa puno! Charot!
Please do wait for the next chapter.Kindly follow me and add this to your library. Love you mwua:3
Words:1308
BINABASA MO ANG
Villainess is Me
FantasíaStacey is the perfect daughter of Mr.&Mrs. Valenciano. But what if one day she woke up with a different body? Possessing the body of Delancy Black , the villain of the book that her best friend wrote. Tagalog/English On-going